Chapter 1

15K 216 5
                                        

Chapter 1

“Tama na ang pagmumukmok mo, Abby.” Tinanggal ng pinsan kong si Ellie ung kumot na nakabalot sa katawan ko.

Panay padin ang pagdaloy ng luha ko, Para akong baliw. Daig ko pa ang namatayan. Panu ako magiging okay? Sige nga, Sabihin nyo. Pagkatapos akong lokohin ng 2 year boyfriend kong si Mike at sumama sa Bestfriend. TAKE NOTE: BESTFRIEND kong si Lia.

Magiging okay paba ako?

 

“Tantanan mo muna ako, Ellie.” Saad ko tapos hinila ulit pataas ang kumot ko.

Naramdaman ko ang paglubog ng gilid ng kama ko. Nakaupo na pala si Ellie doon. “Abby look, Walang magagawa yang pagmumukmok mo okay? Hindi ikaw ang nawalan. Si mike yun! Ang tanga nya dahil pinakawalan ka nya! Oh my Gosh! At isa pa yang bruha mong bestf—I mean, Ex-Bestfriend na si Lia. Sinasabi ko na nga ba. Una palang meron na syang masamang planu eh! May hidden agenda nyang babaeng yan!”

Tumulo ulit ang luha sa mga mata ko.

 

“Ang sakit lang kasi. I trust them.. Both.” Saad ko.

Umiling nya. Naramdaman ko ang yakap nya sa likod ko. “Abby, Hindi lang si Mike ang nagiisang lalaki sa mundo. Hayaan mo na sila ng traydor mong ex-bestfriend! Tumayo ka, Lumaban ka. Ang sakit na nararamdaman mo ngaun, Gawin mong inspirasyon yan. Sa huli, Hinding-hindi kana maloloko ng iba. Mas malakas kana ngaun.” Saad nya sakin.

Ngumite ako. First time. Sa loob ng halos isang buwan na pagmumukmok ko ay ngumite din ako sa wakas. Tama sya, natuto na nga ako. Mas marunong na ako ngaun, Hindi na ako basta-basta maloloko.

“alam ko na! Let’s go to the salon! Oh my gosh! Kaylangan mo ng matinding make-over! Nagkaboyfriend kalang nagurang kana!” saad ni Ellie. Dahil mapilit sya ay nagpatinaod na din ako sa kanya. Pumunta kami sa salon pagkatapos, nagbago ako ng hairstyle, Nagpalayer ako ng buhok tapos nagpalagay ng side bangs, Nagpakulay din ako ng brown.

 

“Ang ganda nyo po ma’am! Pwedeng pangmodel ang mukha nyo!” sabi nung bakla habang nagbabayad kami.

Ngumite lang ako.

“Naku! Talagang maganda tong pinsan ko no!” singit naman ni Ellie.

Pumunta kami sa Derma pagkatapos, Simula ng nagdalaga ako ay naging conscious nadin naman ako sa balat ko pagkatapos, Ang paniniwala ko kasi noo ay hindi ako maganda kaya ang nasa isip ko, Atleast wala manlang akong tagyawat o maintain ang build ng katawan ko.

June. College na nadin ako sa wakas, Thankful ako dahil nakagraduate na din ako sa impyernong eskwelahan na iyon. Sa tuwing nakikita ko ang bawat sulok ng school na ‘yun. Parati ko lang naaalala ang kawalang hiyaang ginawa sakin ni Lia at Mike.

Pinitik ko ang buhok ko tapos nagsimulang maglakad sa hallway. Binalingan ko ulit ang COR ko para makita ang schedule ko.

Architecture ang kinuha kong course, Eversince. Ito na talaga ang gusto kong kunin, kahit pa lawyer ang parents ko.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon