Chapter 22
“Tss.” Utas ko pagkatapos ay agad syang tinalikuran. Mabilis ang pintig ng puso ko, Pakiramdam ko kaylangan kong magdahan-dahan sa paglalakad kung ayaw kong biglaan nalang mahulog ang puso ko dito.
“Wait.” Utas nya pagkatapos ay tinabihan ako sa paglalakad.
Lumunok ako ng ilang laway. Panay ang kalikot ko sa kamay ko. Pinagpapawisan din ako ng malamig.
Bakit ba hindi ako mapakali? Anu ba talagang nangyayari sa systema ko ngaun?
“malapit na ba?” biglang tanung nya.
Napatingin ako sa kanya dahil doon, Sinalubong ako ng nakangise nyang mukha. Para bang alam na alam nya na wala ako sa sarili.
Unte-unte kong itinaas ang isa kong kilay habang pinipigilan ang paglundag-lundag ng puso ko. “H-huh?” nauutal na sabi ko.
Dinilaan nya ang labi nya. “ang sabi ko, Malapit naba tayo?” tanung nya pagkatapos ay inihilig pa ang ulo sakin para madinig ko.
Kumunot ang noo ko pagkatapos ay itinulak sya.
“Oo, Malapit na! Lumayo ka nga.” Pagsusungit ko sa kanya.
Humalakhak sya. Umismid ako pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad. Walang hiya tong Ethan na ‘to.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan nya ang kamay ko,Pakiramdam ko at biglaan nalang akong naging Yelo dito. Lumunok ako ng ilang laway. Nangangatal ako. Naghihina ang buo kong katawan. Pakiramdam koanu mang oras ay bibigay na ang katawan ko, Kapag hinahawakan ako ni Ethan, Pakiramdam ko, Hinihigop nya ang lahat ng lakas ng meron ako.
Pilit ko iyong binabawi sa kanya pero hindi ko magawa. “A-anu ba!” utas ko. Binalingan ko sya ng tingin. Hindi nya tumingin sa akin. Sa halip ay diretsyo lang ang tingin nya habang naglalakad. Napansin ko ang nakangiti nyang mukha.
“Let me hold your hand, Abby. Ang tagal kong pinangarap ‘to.” Aniya.
Napasinghap ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinapakalma ang nahuhumentado kong puso. Shet! Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Hindi ko na naman magawang humindi sa kanya. Lord Ethan Rodriguez, Anu bang meron sayo?
Tahimik lang kami habang naglalakad, hindi ako makapaniwalang hawak-hawak nya ang kamay ko ngaun. I really can’t believe this, pero wala akong lakas para kunin ito sa kanya.Nakakapanghina.. sobra.
Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang marahang pagpitik ng puso ko. Umiling-iling ako, Marahil ay kinakabahan ako. P-pero, Bakit ako kakabahan? Anu bang kakaba-kaba dito? Shet! Anu ba, Hindi ako makapagisip ng mabuti. Tinanaw ko ang daraanan namin, Bakit ang layo pa ng Lubao Falls? Imagination ko lang ‘to? Oh, talaga bumabagal ang oras kapag andito si Ethan sa tabi ko? Shet. This is Bad.. really bad.
Pinagdikit ko nang mariin ang labi ko pagkatapos ay unte-unteng hinugot ang kamay ko sa kanya. Napatingin sya sakin pero umubo ako kunwari pagkatapos ay binilisan ang lakad ko. “hmm.. anu.. A-alam ba ng magulang mo na andito ka?” tanung ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...