Chapter 12

6.8K 161 9
                                        

Chapter 12

Binalingan ako ni papa ng tingin agad kong hinila si Ethan.

“uuwi na po sya.” Utas ko. Makahulugang tingin ang ipinukol sakin ni papa. Panay ang tulak ko kay ethan ng magsalita si papa sa likod ko.

“Bakit mo naman agad sya pinauuwi?” utas nya. Nalaglag ang panga ko.

Binalingan ni papa ng tingin si Ethan. “bakit hindi ka muna pumasok sa loob, hijo.” Sabi nya. Ngumite si ethan tapos nagpatinaod kay papa papasok ng bahay. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, what is happening?

Naputol ang pagiisip ko ng tawagin ako ni mama galing sa loob.

“Anak, Pumasok kana. Asikasuhin mo ang bisita mo.” Sabi nya. Agad akong tumakbo papasok ng bahay, Ang there. Nakita ko si ethan na feel na feel ang pagupo sa sofa naming, ngiting-ngiti sya habang kinakausap ni mama. Sumimangot ako habang nakatingin sa nakangise nyang mukha. Nakakairitang tignan. Kala mo kung sinong anghel, di naman!

Umakyat ako sa kwarto para magpalit ng damit, pagkatapos ay bumaba na din ako ng makaramdam ng gutom.

“ethan, di ka paba uuwi?” sarcastic na tanung ko. Nagkukwentuhan padin sila sa sala. Pero this time, si papa na ang kakwentuhan nya dahil nasa kusina si mama at nagaayos ng mga pagkain.

“Nauuna nap o siguro ako, hinatid ko lang po si Abby.” Magalang na sabi nya. Muntik na akong masuka. Pwe!

Tatayo na sya ng pigilan sya ni mama. “Oh no. Wag ka munang umuwi, Kumain ka muna dito.” Sabi nya. Ngumite si Ethan tapos binalingan ako.

“kain daw muna ako sabi ni mama.” Bulong nya sakin. Nanlaki ang mata ko, pero umalis na agad sya sa harapan ko bago ko pa sya masapak.

Nakakainis na talaga sya!

Pumunta na din ako sa dining table tapos nagsimulang kumain.

“Salamat sa paghatid kay abby huh, delikado kasi talaga kapag gabi na.” panimula ni mama.

“Ok lang poi yon, infact. Ako pa ang prince charming nya kaya dapat lang po ‘yun.” Utas nya. Nanlaki ang mata ko, muntik ko ng maibuga ang kinakain ko.

Binalingan sya ni papa. “you mean, ikaw ang partner ni Abby sa play?” tanung nya.

Tumungo lang si Ethan. Bwisit! Wala pa naman akong planung ipakilala sya bilang partner ko sa play!

Ngumite si mama. “Totoo nga ang sinabi ni Abby samin.” Binalingan ko sya ng tingin.

“na ang prince charming nya daw sa play ay mabait, gentleman, magalang at may respeto sa babae. Hindi daw tulad ng ibang lalaki ng arogante, hambog, mayabang at playboy.” Nakangiting tugon ni mama.

Nanlaki ang mata ko. agad akong bumaling kay ethan na nakangise sakin.

Bwisit! Baka akalain nya kinokomplement ko sya? Bwisit sya! Sya kaya ung mayabang ,hambog, arogante at playboy na tinutukoy ko!

Ngumise sakin si ethan. “talaga abby, sinabi mo un? Salamat sa compliment.” Sabi nya. Umisnab lang ako dahil sa inis. Abby, chill kalang. Nasa harap ka ng magulang mo kaya dapat itago mo muna ang sungay mo katulad ng ginagawa ng ethan na ‘to!

“tss.” Utas ko tapos nagiwas ng tingin, nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nakakairitang pakinggan ang boses ng ethan na ‘to habang nakikipagusap sa magulang ko. Akala mo kung sinong mabait pwe!

“Anung trabaho ng parents mo, hijo?” tanung ni papa.

“Model po ang mama ko, but.. she pass away 2 years ago.” Utas nya. Napatingin ako sa sinabi nya.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon