Chapter 2
“Lord Ethan Rodriguez.”
Utas nya na parang sa akin nagpapakilala. Nagiwas ako ng tingin, Nagitla ako sa biglang pagsigaw ni Chea.
“Kyah! Andito yung crush ko!” tili nya.
Nagtawanan ang mga classmates namin.
“Ms. Garcia,You may take your sit now.. Thank you.” Utas ni Ma’am tumango lang ako tapos naglakad na papunta sa upuan ko.
“Now, Mr. Rodriguez. Introduce yourself.”
Ngumite sya tapos pumunta sa unahan, Pinagmasdan ko ang mga classmates kong babae na kulang nalang ay lumuwa ang mata sa kakatitig sa kanya. “Lord Ethan Rodriguez, 20 years old.” Saad nya.
“Kyah! Crush!” tili ulit ni Chea. Napailing ako. Masyado syang maingay.
Napangiti si Ma’am. Hala? Nagwapuhan din?
“Crush mo sino?” tanung nya.
Pumula ng todo ang mukha ni Chea. Para na syang kamatis ngaun. Inipit nya yung buhok nya sa tenga nya tapos parang kiti-kiting nangisay. “Kinikilig ako! Crush ko po kasi si ethan eh! Schoolmate ko po nung highschool!” saad nya.
Nakita kong ngumite si ethan, dinilaan nya ang mapupula nyang labi tapos tumitig kay chea.
Sobrang gwapo nya. Sa itsura nyang yan, Mukha syang playboy.
DANGEROUS.
Nakita kong umupo ung ethan sa may unahan, walang professor sa sumunod naming klase dahil first day palang naman ngaun,
Binalingan ako ni chea.
“Kyah! Akalain mo un! Andito ung crush ko!” tili nya.
“hehe. Ganun?” saad ko.
Sumimangot sya. “bakit ang tahimik mo?”
“Hindi lang ako pala salita.”
Tumayo sya sa harap ko. “naku! Okey lang yan. Wala kapang friends dito?”
“oo eh.”
Inilahad nya yung kamay nya sakin. “Friends na tayo? Hindi ko feel ung ibang babae dito eh, grabe makatingin sa crush ko. Anu na? Friends?” tanung nya.
Lumunok ako. Natatakot na akong may mapalapit ulit sakin na isang tao. Nakakadala kahit na isang beses palang naman talaga ako natraydor sa buhay ko.
“bakit? Don’t worry, you can trust me. Ayaw ko sa mga taong traydor at sinungaling.” Kumindat sya.
“Ikaw din diba?” saad nya.

BINABASA MO ANG
To Reach You
عاطفيةFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...