Chapter 46

5.1K 104 5
                                        

Chapter 46

Pagkaalis ni Lia ay agad akong nilingon ni Mike, Nagulat pa sya nang makitang nakatayo na ako sa likuran nila. Nilapitan nya ako agad.

“May sakit ka bakit ka tumayo?” Aniya

Tinitigan ko sya. “Wala kaba talagang nararamdaman para kay Lia?” tanung ko. Kumunot ang noo nya pagkatapos ay tinulungan akong makaupo sa kama.

“You know the answer Abby, It’s always been no.” Malamig na tugo nya. Kinagat ko ang labi ko.

“Pero noo-“

“That was a misunderstanding.” Sabat nya agad. Hindi na ako sumagot pa, Nakita kong pinasadahan nya ako ng tingin pagkatapos ay umupo sya sa harapan ko.

“Are you okay?” tanung nya. Umiling-iling ako.


“Ethan will go to States, Alam mo ba iyon?” umiling-iling ako. “Kaylangan sya ni Dad for the business, Sya ang panganay na anak kaya sya ang dapat na matuto sa negosyo. Nabalitaan kong pumunta na sya doon noon, Pero tumakas sya.” Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naaalala koi yon. Sinabi nyang tumakas sya dahil sa akin.

“Dad was so angry. Pero walang pakialam si Ethan, Galit sya kay Dad at sinabing wala syang pakialam sa pera nito. Pero nagulat nalang kami nang sya mismo ang nagvolunteer na pumunta sa ibang bansa.” Hinawakan nya ang kamay ko.

“Kukuha sya nang short course doon, Hindi mo na sya makikita Abby, Makakamove on kana.” Utas nya sakin. Pakiramdam ko ay sandaling tumigil ang pagtibok ng puso ko nang dahil sa sinabi nya.

Tinutusok na naman ng mga paru-paru ang tiyan ko na para bang ayaw nilang pumayag na mapalayo sa hari nila.

Hindi ako sumagot, Pumikit ako kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Pinunasan iyon ni Mike,

“Aalagaan kita. You don’t need ethan to be happy.” Ang mga salitang iyon din ang eksaktong snabi nya sa akin noon.

“Aalagaan kita, You don’t need them to be happy. Just me.” Yan ang salitang pinanghawakan ko noon, Pero nasaktan padin ako.

Exam kinabukasan, Wala akong maisagot kaya panay ang kamot ko habang nakatitig sa papel kong walang kasagot-sagot. Nasa kalagitnaan pa ng exam nang tumayo na agad ako at pinasa ang papel ko sa unahan, Wala akong magagawa. Ayoko nading magisip. Napatingin sa akin ang mga kaklasi ko habang papalabas ako ng classroom.

“Tapos na sya? Talino talaga.” Napangiti ako ng mapait. Wala nga akong naisagot eh!

Umakyat ako sa rooftop ng school. Pinikit ko ang mata ko pagkatapos ay dinama ang hangin na yumayakap sa akin.

I haven’t seen Ethan, Ang sabi sa akin.

Maaga syang kumuha nang exams pera makaalis na sya papuntang ibang bansa. Hindi ko alam kung gaanu sya katagal doon,and worst, hindi ko alam kung babalik paba sya. Pumikit ako habang inaalala ang lahat nang nangyari sa amin ni Ethan.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon