Last 5 chapters.
_
Chapter 65
Nagmamadali akong naglakad papuntang parking lot. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kung totoong nasa parking lot si Brian kanina pa, Malamang nakita nya kami ni Mike kanina.
“Tsss. Lagot ka, Abby.” Bulong ko sa sarili ko.
Pagpunta ko sa parking lot ay nakita ko kaagad ang kotse nya na nakapark doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bakit hindi koi to napansin kanina? Mabilis akong naglakad papunta doon, Kinatoko ko ang bintana nang kotse nya.
“Ethan.” Mahinang utas ko. Bunuksan nya iyon para sa akin, Sumalubong agad sa akin ang nakabusangot nyang mukha.
Ngumisi ako. “What?” masungit na utas nya.
Ninguso ko ang pinto. “pwedeng papasok?” tanung ko.
Umirap sya pagkatapos ay pinagbuksan ako nang pintuan. Pumasok ako sa loob. Lumapit ako sa kanya para yakapin sya pero hindi nya ako niyakap pabalik. Umismid ako. Ang cold naman nito.
“Ang seatbelt ka.” Aniya.
Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Inabot ko ang seatbelt sa gilid ko.
“San tayo pupunta?”tanung ko pero hindi sya sumagot. Pinaandar nya ang kotse nang walang imik.
Tumahimik nalang din ako buong biaje, Gusto kong sabihin sa kanya ung mga nangyari kanina, Simula noong pagpasok ko nang umaga, Ung ginagawa ni Chea sa upuan ko, Ung nangyari sa hallway ung kinausap ako ni Lia. Pati ung kanina sa parking lot. Baka kasi kung anu na naman ang iniisip ng unggoy na ‘to. Baka sabihin nya may something na naman sa amin ni Mike dahil baka nakita nya kaming magkayakap sa kanina.
“Uhmm.. Ethan.” Panimula ko.
“Oh?” utas nya.
Binalingan ko sya nang tingin, seryoso lang syang nakatingin sa kalsada.
Ngumuso ako.
“Galit kaba?”
Tumaas ang kilay nya sa tanung ko. “Bakit, may dahilan ba para magalit ako?”
Umiling-iling ako sa kanya. “Wala naman.”
“Tss.” Dinig kong sabi nya.
Tumahimik na ako nang dahil doon, Nakikita ko kasing badtrip sya at wala sa mood baka kapag kinulit ko pa, magaaway lang kami. Pin-nark nya ang kotse sa may parking lot ng condo nya. Binuksan nya ang pinto pagkatapos ay lumabas. Lumabas na din ako at sinundan sya.
Pumasok kami ng elevator para makapunta sa floor kung asan ang condo nya. Wala padin syang imik. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay hinawakan ang kamay nya. Tumingin sya sa akin, Hindi naman sya pumalag pero hindi nya padin ako pinapansin.
Ngumuso ako, Malamang nagalit sya dahil kanina. Kung alam nya lang ang nangyari, Kawawa kanya ako kanina.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...