Chapter 21
“Ang daming mangga nito!” utas ni tiya habang inilalagay sa mesa ang manggang nakuha ni ethan at ni joel. Umismid ako habang pinagmamasdan si ethan na suot-suot pa mamahaling brand na damit nya.
Wala bang damit to na mas mukhang mahirap? Tss.
Tumingin din sya sakin, Nanlaki ang mata ko kaya agad akong nagiwas ng tingin. Itinaas ko ang kilay ko nang maramdamang hindi nya inaalis ang mga titig nya sakin. Pusang-galang Ethan! Ang lakas talaga mangasar nito!
“P-punta lang ako sa kwarto.” Utas ko pero pinigilan ako ni Ellie.
“Pupunta sila sa bukid! Tara sama tayo!” utas nya sakin. Umiling-iling ako. Ngumise sya sakin na parang may ibig sabihin, Nilakitahan ko sya ng mata. Alam ko na naman ang pinaplanu nito at hindi ko gusto iyon.
Umiling-iling ako sa kanya “hindi na. Pagod na ako.” Utas ko.
Nadinig ko ang pagtawa ni ethan. “pagod ka? Kagigising ko lang ah. Magexercise ka nman!” aniya.
Sinimangutan ko sya pagkatapos ay pinukol nang masamang tingin. Kung wala syang sasabihing maganda, mas mabuti pang wag nalang syang magsalita. Bwisit!
“Che! Umuwi ka na nga sa inyo!” singhal ko sa kanya.
Hinampas ako ni Lola ng basket sa ulo. “Aw!” angal ko
“Abby naman! Wag ka namang ganyan kay ethan!” saway sakin ni lola na naging dahilan ng paglaki ng mata ko. Nakita kong ngumise si Ethan.
“Wag mo nang hanapan ng matutuluyang hotel si Ethan, Dito na sya tutuloy. Ikaw talagang bata ka. Hindi mo inaasikaso ang bisita mo.” Binalingan nya si Ethan pagkatapos ay buong-pusong ningitian ito.
“Hijo, si Abby nalang ang maglilibot sayo dito sa CC. uutusan ko kasi itong dalawa.” Sabay turo kay ellie at joel.
Tumungo-tungo si Ethan. “Ayos lang po.” Aniya.
Jusko. Wala pang tatlong buwan simula ng mamatay si Lolo, Hindi baa lam ni Lola ang 3 month rule? Tss.
Umismid ako ng mahigip ang tingin ni Ethan. Tss!
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay agad akong nagbihis dahil iniutos sakin ni lola na ipasyal nga daw si ethan sa buong CC, kahit labag sa kalooban ko. Wala naman akong magagawa. Jusko. Parang alam ko na ang mangyayari mamaya. Disaster talaga ang pagpunta ni ethan dito.
Inilagay ko ang kamay ko sa noo ko. Anu bang nangyayari sa buhay ko? Bakit parang ang gulo ata? Anung kapagyarihan ba meron si ethan at napapaamo nya ang mga tao sa paligid nya? Sa pagkakaalala ko kasi, Medyo banas sa kanya ang pinsan kong si joel dahil medyo mahangin si ethan, Pero shocks. Isang gabi lang, Parang magbestfriend na ang dalawa! Shit! Di ko talaga maintindihan.
*KNOCK* *KNOCK*
“Andyan na.” utas ko pagkatapos ay agad na naglakad papuntang pintuan, Binuksan ko iyon. Napanganga ako ng tumambad sakin ang nakangiseng si ethan.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...