Chapter 42
Nanlaki ang mata ko habang nakahawak sa kaliwa kong pisnge na sinampal ni Chea. Unte-unte kong inangat ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang pagkamuhi sa mata nya. Nangatog ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung paanu ako gagalaw o kikilos, Ni hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanunuyo ang lalamunan ko at ang tanging tumatakbo ngaun sa utak ko ay ang galit nyang mukha.
“C-chea..” nangangal na utas ko sa kanya.
Umatras sya sa akin. “Traydor ka! Pinagkatiwalaan kita. Ang sabi mo, hindi mo ako tratraydurin! Ang sabi mo, hindi mo gusto so Ethan! Ang sabi mo sakin wala kang kahit anung kaugnayan sa kanya, ‘yun naman pala, Unang-una palang.. Inaahas mo na ako!” singhal nya sakin.
Nangatog ang tuhod ko. Pakiramdam o talaga ay unteng kalabit nalang sakin ay matutumba na ako dito sa kinatatayuan ko.
Umiling-iling ako sa kanya. “Hindi totoo yan Chea, I’m so sorry. H-hindi ko sinasadya.” Utas ko. tumulo ang luha ko, Hindi ko na alam kung bakit nagkadaletche-letche nang ganito ang buhay ko. Anu bang meron? Anu bang nangyayari? Bakit ang gulo-gulo nang lahat? Bullshit!
“Traydor! Sinungaling! Parehas lang kayo ni Lia! Wala kayong pinagkaiba!” singhal nya sakin bago tumakbo. Naiwan akong tulala doon habang umiiyak. Now, Pati ang nagiisang kaibigan ko nawala na din sakin. What now? Sinong susunod? Pati ang mga mahal ko sa buhay? Shet!
Bumalik ako sa klase pagkatapos noon pero wala na si Chea, Malamang ay umuwi na sya. Pilit kong tinatawagan ang cellphone nya pero hindi nya ito sinasagot. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nakita nya ang lahat, Ang lahat-lahat. Anung gagawin ko? Nadinig nya kami ni Ethan. Mahal nya si Ethan kaya nasaktan ko sya. H-hindi ko naman sinasadya. Hindi ko sinasadya.
Nakayuko lang ako hanggang sa matapos ang klase, Pakiramdam ko ay wala na akong pakialam kung mapagalitan man ako ng professor namin, I’m so damn tired. Pagod na pagod na ako sa nangyayari sa buhay ko. Ang gulo-gulo na.
Nung mag-bell na ay tumayo na ako sa upuan ko. Nakatanggap ako ng text galing kay Mike.
To: Mike
Ihatid na kita. Gusto mo?
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tumingin ako sa paligid at nakitang wala sya doon. Nagreply ako sa text nya.
From: Mike
Im sorry. Nasa bahay na ako. Maybe next time? Ingat ka.
I lied. Ayoko muna syang makita sa ngaun. Gulong-gulo ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Naiipit ang sa sitwasyon. Dumadag pasa problema ko ang kay Chea. Sa totoo lang, Hindi ko na alam ang gagawin ko, Paanu ba ‘to? tatakas na naman ako? Lalayo na naman ako? Katulad nalang nang ginawa kong pagtakas noon nang malaman kung niloloko nila ako ni Lia?
Dammit. I don’t fucking know.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...