Chapter 31
Banas na banas ako habang paakyat sa condo nya which is nasa 30th floor, Kinagat ko ang ibaba kong labi pagkatapos ay yumuko. Hiyang-hiya ako sa itsura ko ngaun, nagsisimula ko ng tanungin ang sarili ko kung anu ba talagang ginagawa ko dito.
May pumasok na ibang tao sa elevator pagkadating namin sa ibang floor, limang magkakaibigan ang pumasok, Kinagat ko ang labi ko ng magitgit nila ako. Medyo siksikan nadin dahil meron din iilang tao na pumasok sa elevator na galing namin sa ibang floor, Bumuntong-hininga ako nang makitang halos halikan ko na ang pader sa sobrang siksikan.
“Ang sikip.” Bulong ko sa sarili ko.
Nagitla ako nang maramdaman ang paggapang ng isang kamay sa palad ko, Agad akong napatingin kay Ethan nang akayin nya ako papunta sa kanya. Wala akong nagawa kaya nagpatinaod nalang ako dahil hindi ko magawang magpumiglas dahil baka makasiko ako ng ibang tao.
Namilog ang mata ko nang isandal nya ako sa pader pagkatapos ay niyakap ako para mabakuran. Literal na nalaglag ang panga ko, Napahawak ako sa laylayan ng t-shirt nya habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib nya.
“Ethan.. hoy..” utas ko.
“Tss. Baka maipit ka nila.” Halos pabulong nyang sabi. Bumuntong-hininga ako. Ang init ng katawan nya, Isa pa. Ramdam-ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso nya. Umismid ako ng maramdaman ang mga paru-parung parang nagwewelga na naman sa loob ng tiyan ko
Nakarating kami sa 29th floor at umunte na ang mga tao. Binitawan ako ni Ethan, Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin. Itinaas ko ang kilay ko pagkatapos ay nagiwas ng tingin.
“abby..” aniya.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko, Something is wrong with me.. Kahit tawagin lang nya ang pangalan ko naninigas na ako.
Tumunog ang elevator para sa 30th floor, Agad akong naglakas palabas noon. Nagmamadali akong naglakad, Para akong hinahabol ng kabayo dahil sa sobrang kaba. Nararamdaman ko ang presensya nya sa likuran ko at iyon ang nagpapakaba sa akin at nagpapawala sa sarili.
Hinarap ko sya ng makarating kami sa pintuan ng condo nya.
“Anu.. hmm. Hindi na ako papasok, anu lang kasi. Hmm.” Utas ko pagkatapos ay inilahad ang palad ko sa kanya. Magkasalubong ang kilay nyang tinignan ako.
“What?” aniya.
Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay nilunok na ang natitirang kahihiyang meron pa ako sa katawan ko. “Pengeng pamasahe, uuwi na ako.” Diretsyahang utas ko. Nakatitig lang sya sa akin nung una pero kinalaunan ay nakita ko kung paanu nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.
Kumunot ang noo ko. “Hindi ako sinuklian ni manong kanina, kaya bigyan mo ako ng pamasahe para makauwi na ako.” Utas ko.
Lumapit sya sa akin pagkatapos ay kinuha ang kamay ko, Nakangise sya at tinulak ang pinto ng condo nya habang hatak-hatak ako.
“Hoy. Anu ba! Sabi ko uuwi na ako.” Utas ko sa kanya.
“Mabuti nalang pala hindi ka sunuklian.” Utas nya pagkatapos ay tinulak ako sa loob. Napatigil ako pagkatapos ay galit syang binalingan.
“Hoy! Ethan!” utas ko sa kanya.
Lumapit sya sa sofa pagkatapos ay umupo doon, nakita kong pinikit nya ang mga mata nya. Banas akong lumapit sa kanya.
“Ethan. Hoy! Niloloko mo lang pala ako? Bwisit ka! Bigyan mo na nga ako ng pamasahe nang makauwi na ako!”Sigaw ko.
Hindi sya kumibo sa halip ay nakapikit padin na akala mo ay natutulog.
“Ethan! Hoy! Gumising k—kyah!” tili ko nang hilain nya ako. Nahulog ako sa katawan nya ng dahil doon. Napasinghap ako sa gulat pero agad din iyon napalitan ng kaba ng maramdaman ko ang pagpulupot ng braso nya sa katawan ko.
Halos hindi ako makagalaw, pakiramdam ko ay naninigas ako ngaun. Nagaalburoto na naman ang tiyan ko.
“Ethan.. Bitaw.” Utas ko kahit na nanghihina ako dahil sa yakap nya, Ang pakiramdam ko ngaun ay nawawalan ako ng lakas dahil sa mga yakap ni Ethan.
Umiling-iling sya pagkatapos ay ibinaon ang mukha nya sa leeg ko. “Abby.” Utas nya na dahilan ng pagtaasan ng balahibo ko sa katawan.
“Im really going to New York.” Panimula nya dahilan para matigilan ako.
Naramdaman ko ang pagluwang ng yakap nya sakin. Iniharap nya ako sa kanya pagkatapos ay tinignang mabuti sa mata. “Pero bago ako umalis, Gusto ko munang mapapayag ka.” Aniya.
Napanganga ako. “ Please let me court you.” May halos pagmamakaawa ang boses nya. Pinagdiin kong mabuti ang labi ko.
“I know you love me too.” Utas nya.
Napanganga ako. “a-anung.. Bakit mo naman nasabi yan? Ha!” utas ko sa kanya.
Ngumise sya dahilan para maaninag ko ang maputi at pantay-pantay nyang ipin. Nagsimulang uminit ang mukha ko. “Kung hindi mo ako mahal at wala kang pakiaalam sakin, Bakit ka pa nagabalang pumunta dito para makita ako?” utas nya.
Napanganga ako.
Inawang ko ang bibig ko pagkatapos ay luminga-linga kung saan-saan pero wala akong makuhang sagot. Napatingin ako sa kanya na nakangise padin sa akin. Inisnaban ko sya.
“K-kasi magpapaalam sana ako sayo!” utas ko . Itinaas nya ang isa nyang kilay sakin na para bang hindi sya kumbinsado sa sinabi ko.
Nagiwas ako ng tingin. “Pwede ba! Wag ka nang magfeeling!” utas ko sa kanya.
Nadinig ko ang paghagalpak nya ng tawa.
“Ok. Ok. Sabi mo eh, kahit na nakita kitang parang batang nawawala sa ibaba.” Aniya.
Hinampas ko sa braso. “Tumigil kana pwede? Uuwi na ako!” utas ko. Akmang tatayo ako sa sofa nang hagitin nya akong muli, pero sa pagkakataong ito, Hindi lang katawan ko ang nag-landing sa kanya. Pati labi ko rin.
Pakiramdam ko ay napatigil ang buo kong systema dahil doon.
Lumayo ako sa kanya pagkatapos ay tinakpan ang labi ko pero hinagit nya akong muli at hinalikan, Napapikit ako. Ito na naman sya. Ito na naman kami.
Alam kong mali pero hindi ko mapigilan, Alam kung hindi tama pero pinipilit ko padin. Anu ba tong nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito noon. Isa pa, Si Ethan ang lalaking kinaiinisan ko. Pero ngaun..
Pinagsalop nya ang kamay ko sa kamay nya. Lumayo sya sa akin pagkatapos ay pinagdikit ang noo nya sa noo ko.
Uminit ang mukha ko. Hindi ako makapaniwalang nakipaghalikan akong muli sa kanya.
“Abby, Pupunta akong New York, Pero babalik ako agad pagkatapos ay liligawan na kita sa ayaw mo’t gusto. Mahal kita. Mahal na Mahal, at hindi ako papayag na pagkatapos ng lahat ng ito, Hindi ka magiging akin.. Baka mabaliw ako.” Utas nya.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...