Chapter 4

7.8K 150 5
                                    

Chapter 4

“Nakakalungkot naman! Wala si Ethan ngaun.” Sabi ni chea habang nakapalumbaba sa harapan ko. Umirap ako. Andito sya kanina, Kung alam mo lang!

Napatingin ako kay Jona, nagkatinginan kami pero agad syang nagiwas ng tingin. Malamang, Nahiya sya sa naabutan ko sa CR. Akala ko pa naman conservative sya, Humanga pa naman ako sa ganda nya! Seriously, sa unang tingin mo sa kanya, akala mo hindi sya ung tipo ng babaeng ganun, Sa ganda ng mukha nya. Akala ko may utak din sya. Wala pala.

Buong araw na hindi pumasok si Ethan sa klase namin. Mabuti naman, Dahil sa tuwing andyan sya ay wala na akong ginawa kundi ang tiisin ang nakakasunog nyang titig sakin. Naiinis ako! Ayoko sa kanya. Napakababoy nya!

Ang mga taong katulad nila ni Mike ay hindi na dapat nageexist pa sa mundong ito!

Isang linggo pa ang lumipas, ganun padin sya, iba’t-ibang babae padin ang palaging kasama nya. Natratrauma na nga akong pumasok sa CR dahil ang naaalala ko ay ang kababuyan nila ni Jona doon.

Isang linggo na ding hindi pumapasok si Jona. Ang sabi ng ilan, Nagtrasfer daw ng school, Biglaan. Wala akong pakialam. Mas mabuti na nga siguro iyon. Dahil sa tuwing nakikita ko sya ay sobrang naiilang ako sa kanya.

“oy, Abby. Theater actress ka diba?” utas ni Josephine sakin. Napatingin naman ako sa kanya.

“Hu-huh?”

“Hello? Diba sinabi mo sa amin? Nung introduction mo sa klase ni Mam Hera?”

Naalala ko nga iyon.

“Oo. Bakit.”

Nanlaki ang mata ni Josephine tapos pumalakpak sa harap ko. “Ayun! Perfect! Ikaw na!” saad nya.

“Huh?” naguguluhang utas ko.

“ganito kasi, May project kasi ang Student supreme council, Isang theater play. Ang pondong makakalap doon ay gagamitin para sa project na botanical garden, medyo kulang kasi ang funds.” Aniya.

Umiling-iling ako.

“Naku.. ayoko..” sabi ko.

Hinawakan ako ni Josephine sa kamay. “Sige na please, Don’t worry. One day event lang naman ito. Tsaka, Walang dapat ipagalala. Kami na ang bahala sa lahat, Ang dapat mo lang alalahanin ay ang pagsasaulo mo ng lines!” utas nya.

Lumapit si Chea samin.

“oo nga naman! Pumayag kana ate, Naku, Kung magaling lang ako sa acting ako talaga ang magvovolunteer.” Utas nya. Ngumite ako.

Tutal pangarap ko naman ito. Bakit hindi diba.

“oo, sige na nga.” Saad ko. Nag-apir si Josephine at Chea sa harap ko. Ngumite lang ako.

“anu bang play?” tanung ko, Kumindat si Josephine.

“Pumunta ka mamaya sa gymnasium after class, you’ll see.” Utas nya tapos umalis na.

Nagklase na din  kami pagkatapos. Panay ang alburoto ni Chea dahil hindi ulit pumasok si Ethan ngaun. Para sa akin, okey yun. Ayoko syang makita. Dahil sa tuwing nakikita ko sya ay si Mike ang naaalala ko.

5pm ang tapos ng klase ko. agad akong pumunta sa gym dahil sa sinabi nya, excited na ako. Matagal-tagal na din kasi simula noong nagtheater ako uli kaya nakakamiss din ang pag-arte.

Nakita kong madami nading tao doon galing sa ibat-ibang section at course. Madami pala ang cast?

“oh, andito na pala si snow white.” Sigaw ng isa doon.

Snow white?

Sinalubong ako ni Josephine. “Ang daming cast,” saad ko. Napatawa sya.

“hindi cast ang iba dyan, ung iba taga ayos lang ng stage tapos ung iba naman bahala sa costumes at sa pagaayos sa bida. Tapos ayun..” itinuro nya ung mga estudyanteng puro nakawhite t-shirt. “Mga co-members ko yun sa SSC.” Sabi nya.

Tumungo ako.

Nakita kong nagpalinga-linga sya sa paligid.

“Sinong hinihinatay?” tanung ko.

Ngumese sya sakin at promise, Hindi ko nagustuhan iyon. “Your prince charming.”

“ha? Prince? Ba---“

“Kyah! He’s here!” tili nung iba. Napalingon ako.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. The hell no! No! No!

“Sya?” buong pusong pagtutol ko.

“oo! Perfect na prince charming diba?” kumindat si Josephine sakin tapos pinuntahan si Ethan.

Hindi pwede! Ayoko! Hanggat maaari ayokong magkaroon ng kaugnayan sa lalaking yan! Nakakainis sya! Nakakadiri! Gusto ko syang isuka ngaun din! Kahit pa sya nalang ang natitirang tao sa mundo e, ayoko padin syang makapartner.

“Ayoko na.” biglang sabi ko. Napatingin ang lahat sakin. “What?” utas ni Josephine.

Maging sya at binalingan din ako ng tingin. “Kung sya lang din ang magiging kapartner ko, no thanks nalang! Humanap nalang kayo ng iba.” Sabi ko.

“Per—“

“Ayoko na. sorry Josephine.” Sabi ko.

Nilapitan nya ako. “May problema na kay—teka, Mag-ex ba kayo?” bulas nya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

“HINDI! Anu kaba. Ayoko lang sorry, Ayoko sa kanya.” Diretsyong tugon ko Lumakad na.

Akmang lalagpasan ko sana si ethan ng hawakan nya ang braso ko, I swear. Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan sa ginawa nya.

Agad kong hinila ang braso ko pero ayaw nya itong bitawan.

“Anu ba!” utas ko.

“dahil ako ang partner mo, biglang ayaw mo na? Apektado ka naman ata sakin.” Sabi nya dala-dala na naman ang ngise nyang yan.

Sinimangutan ko sya. “I hate you! Kung ikaw ang partner ko, No thanks nalang! Ayoko!” utas ko.

“Pero, Josephine. 2 weeks from now play na. At tsaka, mga bata pa naman galing sa ibang school ang pupunta dito para manuod. Wala na kaming makita ibang pwedeng qualified na actress eh. Please naman oh,” sabi ni Josephine. Napapikit ako.

“Bitawan mo na nga ako!” sigaw ko kay ethan. Binitawan nya naman ang braso ko.

“Fine. Anu bang play?”

Lumapit si ethan sakin at bumulong dahilan para mangilabot ako. “Snow white.” Saad nya.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon