Chapter 53
“Second chance?” biglang tanung nya na nagpalaki nang mata ko.
Nakaawang lang ang bibig ko habang nakatitig sa kanya.
Second Chance? Iyon naman talaga ang gusto ko para sa aming dalawa hindi ba? Pero bakit hindi ko masabi sa kanyang oo? Para lang akong yelong unte-unteng natutunaw dito habang tinititigan ni Ethan.
“Ethan.” Utas ko.
Ngumise sya. “I don’t give second chance anymore, Abby. You know me. Kapag naging babae na kita, Hindi na kita babalikan. Isa pa, I have no time for love anymore. I change. Wala na Abby, Wala na.” Matigas na tugon nya pagkatapos ay tinalikuran na ako at ang simula nang maglakad palayo sa akin.
Nakatayo lang ako doon habang pawala sya sa paningin ko. Paulit-ulit na nageecho sa utak ko ang mga sinabi nya. Nasasaktan ako pero wala akong karapatan dahil unang-una palang, Ako na ang nagtaboy sa kanya. Kung iisipin kong mabuti, Ako din naman ang may dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal nya sa akin. Wala akong pwedeng isumbat sa kanya. Oo nga’t may nagawa din sya sakin noon, Pero ginawa nyo iyon dahil sa mahal nya ako. Ginawa nya ang bagay na iyon kahit na alam nyang may nasasaktan syang tao. Pero bakit ako? Bakit wala akong magawa para ipaglaban sya.
Sa kanya na mismo nagsabi na wala na. Pero. Bakit sobra.. Sobra-sobra akong nasasaktan ngaun? Bakit?
“Abby!”
Napalingon ako at nakita si Mike na tumatakbo papalapit sa akin. Dala-dala nya ang bag ko sa kabila nyang balikat. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko kahit na patago akong umiyak kanina at pakiramdam ko hindi padin nauubos hanggang ngaun. Pero, Wala. Alam kong mali na kinikimkim kong maisa ang sakit. Pero, Ayoko nang maging pabigat pa kay Mike. Madami na syang iniisip. Tama na.
“Ayos kalang ba?” tanung nya
Tumungo-tungo ako.
“Nung umalis ka. Sumunod si Ethan. Iniwanan nya si Chea doon, Nagalala ako kasi hindi na sya bumalik. Nagusap kayo?” tanung nya.
Umiling-iling ako.
“Hindi.” Pagsisinungaling ko.
“Umiyak ka?” tanung nya.
“Hindi, Mike.” Utas ko. Kinuha ko ang bag ko pagkatapos ay sinabit iyon sa balikat ko.
Pagdating ko sa bahay ay hindi padin ako makatulog kahit na pagod ako ngaun araw. Hindi lang physically, Kundi pati nadin mentally. Pagod ako, pero hindi ako pinapatulog nang mga paru-paru sa tiyan ko. Pati na ang puso ko, at ang isip ko na walan nang ginawa kundi ang isipin si Ethan.
Alas dos na nang madaling araw pero, Naglog in padin ako sa facebook pagkatapos ay tinignan ang facebook nya. Ganun padin. Isa-isa kong binasa ang mga post ng iba’t-ibang babae doon. Nababanas ako at naiirita kaya pinagrereport ko silang lahat.
Tinignan ko ang iilan sa mga pictures nya. Ganun padin, Walang nadagdag. Inis-scroll down ko ito pababa. Nagitla ako ng makita ang pinakauna nyang naging profile picture. Isang babaeng nakatalikod. Tinakpan ko ang bibig ko.
Isa-isang nagsibagsakan ang luha ko nang marealized na ako ang babaeng ito. Sa tansya ko,Highschool palang ako at sa Fuentes International University pa ako nagaaral. Kinagat ko ang labi ko, Lumabas sa notification ko ang bago nyang post.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...