Chapter 25
Nagising ako kinabukasan sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Hilo ako ng bumangon ako sa kama. Sa sobrang antok, halos gumapang na nga ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang yumayakap sakin an gala-ala ng nangyari kagabi. Ni, hindi ko alam kung paanu kami nakauwi kagabi, Para akong sabog. Hindi ko alam pero daig ko pa ang nakainom dahil sa mga sinabi nya.
Hinawakan ko ang dibdib ko.
“Shit.” Bulong ko sa sarili ko.
Tumayo ako pagkatapos ay hinawi ko ang kurtina sa kwarto ko at sumilip sa ibaba. Nanlaki ang mata ko ng makitang nasa baba na silang lahat.
Kumaway-kaway si ellie sakin na nagpapakain ng manok. Sila lola naman ay naghahanda ng almusal sa lahat kasama si tiyo at tiya,
Si joel na naghahakot na nasibak na kahoy.. at si ethan na.. Jusko po! Pawisan na habang nagsisibak ng kahoy. Nakatop-less pa ang loko. Shet talaga!
Bumaling ang tingin nya sakin. Nakita ko ang pangise nya ng makita akong nakatitig sa katawang nyang nangingintab na sa pawis. Itinaas ko ang isa kong kilay pagkatapos ay nagiwas ng tingin.
“Peste talaga!” bulong ko sa sarili ko pagkatapos ay agad na sinarado ang bintana.
Nagmamadaling pumunta ako sa banyo pagkatapos ay naligo at nagayos.
Bumaba na din ako pagkatapos. Nasisibak padin sya ng kahoy.
“oh, ateng! Palagi ka nalang tanghali gumigising ah!” utas ni Joel sakin habang pasan-pasan sa balikat nya ang ilang kahoy na sinibak ni ethan.
Hindi ko sya sinagot, Kumunot ang noo ko. Bakit nila hinahayaang magsibak ng kahoy si ethan habang naka topless?
“Mukha kang puyat. Anung nangyari kagabi? Hindi ka nakatulog?” tanung ni ellie, Nanlaki ang mata ko sa tanung nya. Hindi nila alam na tumakas kami ni ethan kagabi para pumunta sa bayan.
Uminit ang pisnge ko nang maalala ang lahat ng nangyari kagabi.
Naiilang akong ngumise. “M-medyo. “ nauutal na sabi ko.
Nakikita ko sa pheripheral vision ko ang mga mata ni ethan na nakatingin sakin. Bwisit! Mangaasar na naman ‘to panigurado! Bumuntong-hininga ako. Wag mong pansinin Abby, Hindi ka lang naman pinatulog nang mga sinabi ni ethan sayo kagabi! Tsh.
Kumaway si lola sakin.
“abby! Halika dito at tulungan mo kaming magihaw, uuwi na kayo ni ethan bukas diba? Kaylangan masarap ang ihain ngaun.” Sigaw ni lola sakin.
Umismid ako. oo nga pala. Uuwi na kami bukas ni ethan, kasabay nun ang enrollment sa university. Suminghap ako, Parang kelan lang. Hindi ako makapaniwalang ang mayamang si Ethan ay nandito ngaun sa probinsya namin. At nakatagal sya dito, sa loob ng halos isang buwan! Hindi lang ako makapaniwala.
“Opo!”sigaw ko pagkatapos ay agad na lumapit sa kanila habang nagiihaw ng baboy. Panay ang ubo ko habang nagpapaypay sa ihawan. Pakiramdam ko tuloy ngaun amoy usok na ako, Bagong ligo pa naman ako ngaun.
Lumapit si tiya sakin pagkatapos ay inakbayan ako. Napatingin ako sa kanya dahil doon. “tignan nyo si ethan oh, Napakasipag na bata. Anak mayaman pero gumagawa padin ng mga gawaing tulad nyan.” Utas niya,
Sumimangot ako.
“ethan, ayos kalang ba jan?” tanung ni tiyo sa kanya.
Ngumite si ethan. “Opo. Ayo slang. Medyo pinagpapawisan lang po.” Aniya pagkatapos ay ngumite kaya litaw na litaw na naman ang napakaputi nyang ipin.
Bumaling si lola sakin pagkatapos ay hinagis sakin ang isang bimpo.
“A-anung..” utas ko.
“Aba’y, pumasan mo ang pawis ni ethan.” Aniya.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...