Chapter 32

5.6K 125 6
                                    

Chapter 32

Pasukan na bukas. Nang gabing iyon ay hindi manlang ako binigyan ng pamasahe ng salbaheng si Ethan. Sa halip ay panay ang paalala nya sakin na wag na wag akong lalapit sa kahit na kaninong lalaki, Kahit anung pilit ko sa kanya na hindi ako magpapaligaw ay hindi padin nagbabago ang isip nya. Para sa kanya, Nanliligaw sya sa akin. Pero para sa akin hindi. Sa sobrang inis ko ay binuga ko nalang iyon sa hangin. Wala akong magawa dahil sa kulit nya.

Lumigid ako sa kama pagkatapos ay hinawakan ang labi ko. We kissed sa many times. Nagiging wild ata ako kapag si ethan  na ang nasa tabi ko, I can’t help it. Nagiging berde ang dugo kapag andyan sya. Wala naman syang ginagawa o sinasabing nakakahalay pero makita mo palang sya mabeberde kana. Tss.

Ewan ko ba. Umiling-iling ako. Anu ba tong pinagiisip ko? Shet!

Nahagip ng tingin ko ang calendaryo. Anniversary sana namin ni Mike ngaun kung hindi lang nya ako niloko. Magiisang taon na din kaming hinwalay. Kahit na nagkaboyfriend na ako noon ay hindi padin iyon nalaman nila mama at papa at wala na akong balak pang sabihin sa kanila iyon.

Nagring ang cellphone ko kaya kinuha koi yon sa may ulunan ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Ethan ang tumatawag. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin koi yon pero kinalaunan ay wala din akong nagawa kundi sagutin ang tawag.

“Bakit?” bungad ko sa kanya.

Nadinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya. “How hash. Wala manlang bang hello baby dyan?” Aniya. Umismid ako.

“Asa ka!” utas ko sa kanya. Humagalpak sya ng tawa. Kinagat ko ang ibabang labi ko, Grabe. Maging ang tawa ay parang nagsisilbing musika sa pandinig ko. Shet. So unfair, Pati ang pagtawa nya ang gwapo-gwapo din.

“B-bakit kaba tumawag?” tanung ko sa kanya.

Tumigil sya sa pagtawa. “I just miss you so much.” Malambing na utas nya. Napalunok ako,iilang salita lang iyon pero agad na nagsiliparan ang mga paru-paru sa tyan ko. Ethan hasa magic, at ginagamit nya sa akin ‘yun.

Itinaas ko ang isa kong kilay para maiwasan ang pagngiti. Hindi ako alam kung bakit ko ‘to nararamdaman. But. Shet. Im so damn happy right now.

“Abby.” Aniya.

Napatigil ang buo kong systema dahil sa klase ng pagtawag nya sa pangalan ko, Para akong hinihele sa lambing ng boses nya. “A-anu?” nangangatal na sabi ko sa kanya.

Hindi agad sya sumagot sa kabilang linya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko naeexicte ako na kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan.

“Ethan?” utas ko.

“Abby.” Sabi nyang muli.

Tumahimik ako at hinihintay lang ang pagsasalita nya. Nadinig ko ang pabuntong-hininga nya sa kabilang linya.

“I want to be a kind of man, who would stand by you forever.” Panimula nya. Nanlaki ang mata nang dahil doon. Agad na nagsiliparan ang paru-paru sa tyan ko. Nagwawala na naman sila. Pati ang buong systema ko ay nagkakada letche-letche na.

“Ever since I met you, you become more important than anyone..” Huminto sya sandali. “More important, even to myself.” Halos pabulong na sabi nya.

Tinakpan ko ang bibig ko. Pumikit ako nang mariin habang pinakapakiramdaman ang unte-unteng paglakas ng tibok ng puso ko. This is not normal alam ko, Hindi ko matandaan kung naramdaman ko ba ‘to noon sa isang tao, Ang alam ko lang ay sobra na ito. Ang alam ko lang.. Hindi na ito normal. This is the very first time.. Mas malala pa ito sa naramdaman ko ay Mike noon, Mag matindi ito, at mas malakas ng sampung beses. This is so frustrating.. Ayokong tanggapin ang posibilidad na baka nga—

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon