Chapter 57

5.6K 153 14
                                        

Chapter 57

Puwesto na kami ni Mike sa harapan, Ito ang huling araw nang praktis. Pagkatapos ay may dalawang araw na pagitan bago ang play. Sabado at Linggo. Tapos sa lunes start na nang intrams, Sa unang araw ang play, Susundan nang mga sports. Mini concerts at kung anu-anu pa, isang linggo ang intrams. Susundan nang exams. Tapos outing nang theater club. Hindi ko pa alam kung saan.

“wag nalang natin gawin kung hindi ka komportable.” Utas ni Mike sakin.

Umiling-iling ako sa kanya. “Ayos lang. Gawin natin.” Utas ko. Nagaalinlangan sya pero ningitian ko lang sya. Tama si Josephine, May gusto lang din akong patunayan. Pagkatapos nito, Wala na. Tapos na talaga.

“Scene 25. Kiss scene ni Abby at Mike. Sa huli, kayo ang magkakatuluyan. Sa isa’t- isa ang bagsak nyo. Kayo ang dalawang pusong napagiwanan. Kung baga, Kayo ang dalawang taong na left-behind. Two broken heart, Two broken heart who find there way together. Meron din kayong happy ending!” utas ni Josephine.

Nagcoconcentrate ako sa pakikinig sa kanya. Gusto kong maintindihan ang flow ng play, Kahit na hindi ko pa talaga maintindihan ngaun kung anu ang pinaplanu nya at kung anu ang sinasabi nyang hindi masusunod ang nakasulat sa script. Kahit na sinasabi nya puso padin ang magdidikta nang sasabihin ko at hindi ang nakasulat sa script. Hindi ko talaga alam kung anu ang pinaplanu ni Josephine. Para bang sya ang manunulat ng istoryang ito. Para bang sya ang may alam nang kwento, Sya ang nagpapatakbo ng kwento.

“Hindi naman kaylangang torrid kiss. Basta.” Ngumise sya. “Kaylangan mabubura ung red lips ni Abby.”

Naghiyawan ang mga tao sa AVR.

“Wooooo!” utas nila.

“Okay na ang smack. Pero diba, Dahil kaylangan nyong iportray na may gusto na nga kayo sa isa’t-isa, Dapat may feelings ang halik. Ung bang parang mahal nyo ang isa’t-isa.” Aniya.

Tumungo-tungo kami ni Mike.

“Game? One.. Two.. Three.. ACTION!” sigaw ni Josephine.

Lumapit ako kay Mike. Matindi ang kalabog ng dibdib ko. Nakikita ko si Ethan sa peripheral vision ko na nakatingin sa aming dalawa. Para na siguro akong baliw, Pero gusto kong makita at malaman kung anu ang magiging reaksyon nya. Kung magseselos ba sya o anu, May kung anus a puso ko na umaasa na baka nagsisinungaling lang sya sakin. Baka hindi totoong wala na syang nararamdaman. Sana.. Sana.

Martir na kung martir pero hangga’t may paraan. Gusto kong gamitin iyon.

“Mahal kita.” Utas ni Mike. Hinawakan nya ang kamay ko.

Unte-unte syang yumuko para abutin ang labi ko. Pinikit ko ang mga mata ko. Hinihintay ko ang labi nyang dumampi sa akin. Nararamdaman ko na ang hininga nya sa labi ko pero walang halik. Dinilat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya.

“M-mike.” Utas ko.

“Gustong-gusto talaga kitang halikan ngaun, Abby.” Utas nya. What? Hindi kasama sa script ang sinasabi nya.

“M-mike.. Anung-“

“Alam kung ginagawa mo ‘to dahil may gusto kang patunayan. Alam ko.”

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon