Chapter 28
Alas otso na ng umaga ng makarating kami sa University, pagkapark na pagkapark nya palang ng kotse ay agad na akong bumaba ng sasakyan nya. Mainit ang mukha at tenga ko dahil sa kahihiyan. Hindi ko tuloy alam kung paanu ko natagalan ang tatlong oras na nasusufocate ako sa loob ng kotse nya kasama sya.
“Abby! Hindi mo ba ako hihintayin?” utas nya sakin.
Sinimangutan ko sya. “Asa ka naman!” singhal ko sa kanya.
Ngumuso sya sakin. “Grabe ka naman. Pinagmaneho na nga kita eh.” Aniya. Napaawang ang bibig ko sa kanya. Itanaas ko ang isa kong kilay pagkatapos ay tinalikuran sya.
“E-ewan ko sayo! Tss.” Utas ko pagkatapos ay nagmamadaling maglakad palayo sa kanya.
Hawak-hawak ko ang dibdbi ko habang tinatahak ang hallway papuntang registrar kung saan ako kukuha ng form para sagutan. Shet! Pakiramdam ko ngaun lang talaga ako nakahinga ng maluwang ngaung wala si ethan sa tabi ko
“Ateee!” nadinig kong isang sigaw sa likuran ko. nanlaki ang mata ko pagkatapos ay napalingon kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon.
Ngumite ako ng makita si Chea na kumakaway sakin. Kinaway ko rin sya. Patakbo syang lumapit sa akin pagkatapos ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
“Ate! Namiss kita!” utas nya habang mahigpit na nakayapos sakin.
“Namiss din kita, teka. Anung nangyari sa buhok mo?” tanung ko sa kanya. Hinawakan nya iyon.
“ah. Ito ba? Ang sabi kasi para daw magmukha akong matured kaylangan kong paiksiin ang buhok ko, Okey ba?” tanung nya sakin.
Ngumiti ako pagkatapos ay tumango-tango. “Bagay sayo.” Utas ko.
Pinasadahan nya akong tingin. “ikaw din ate! Blooming ka! Inlove ka no? Hehe. Sabihin mo sakin kung sino ha? Gumanda ka lalo eh.” Aniya.
Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay umiling-iling sa kanya. “hehe. Hindi ako inlove no.” pagtanggi ko.
Nagkamot sya. “Sa tingin mo, Mapapansin ni Ethan ang new look ko?” tanung nya sakin.
Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay lumunok ng maraming laway.
“Hindi ko alam ang tipo ni ethan sa babae, Pero. Nakikita ko kasing ung mga dine-date nya ay ung mga babeng mature. Kaya gusto ko din subukan. Baka mapansin nya ako.” Mahihiyang utas nya.
Pumitik ang dibdib ko sa sinabi nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay pinasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka crop top sya, high waisted na palda at high heels. Napasinghap ako. Hindi ang tipikal na Che-ang kilala ko, Pinagmasdan kong mabuti ang mukhan ya. She even wear a make-up.
Nakaramdam ko ang unteng sakit sa puso ko. She’s willing to chance para kay ethan. Nakikita kong ginagawa nya talaga ang lahat-lahat. Nagsisikap sya. Samantalang ako.. Shet! Bakit ko ba to nararamdaman? Bakit ko kinukumpara ang sarili ko sa kanya?
Bakit.. Bakit may mumunting kirot akong nararamdaman sa sarili ko, nakakaramdam ako ng pagkairita, ng inggit, at ng konteng.. s-selos?
“Ate!” utas nya pagkatapos ay inalog ang balikat ko.
Napatingin ako sa kanya dahil doon. “Hu-huh?” utas ko sa kanya.
Ngumite sya sakin pagkatapos ay iniabot sakin ang form. “Kinuhaan na kita ng form kanina habang wala ka pa para hindi kana pumila, tara doon tayo para masulatan na natin.” Nakangiting utas nya. Wala ako sa sariling tumungo-tungo sa kanya.
“S-salamat.” Utas ko pagkatapos ay nagpatinaod sa kanya papunta sa isang table doon para fil-upan na ang form. Tahimik lang kami habang nasusulat, Pero hindi ko magawang mapasulyap sa nakangiting mukha ni Chea. Nakokonsensya ako. Sobra. At ngaun, Hindi ko alam ang gagawin ko.
“Kumusta naman sa probinsya nyo ate?” biglang tanung nya. Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay agad na napatingin sa kanya.
“Ah—anu, Okey naman! Dinalaw ko sina Lola doon!” natatarantang utas ko. Pumikit ako ng mariin. Oh my gosh chea, Im so sorry.
“Masaya naman ba? Alam mo bang sobrang boring ng bakasyon ko? Hmm, Naisip ko nang baka pwede akong magbakasyon din sa probinsya mo sa susunod eh!” utas nya.
Nanlaki ang mata ko. “Ah.. hehe. Pu-puwede naman.” Utas ko.
Nagpangulambaba sya sa harapan ko. “Si ethan kaya, Saan nagbakasyon?” biglang tanung nya.
Nansinghap ako pagkatapos ay agad na tumayo sa kinauupuan ko. Nagulat sya sa ginawa ko.
“ate, May problema?” tanung nya sakin,
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko na kaya, Pakiramdam ko. Ahas ako. Pakiramdam ko, traydor akong kaibigan. Pakiramdam ko, Para akong si Lia. Pakiramdam ko, nagkakasala ako.
“Ate?” utas ni Chea.
“Chea, Makinig ka saking mabuti.. ang totoo kasi..” utas ko.
Hindi sya sumagot, Nakaawang ang bibig nya sakin na tila naghihintay nang isasagot ko.
“Ang totoo kasi nyan, Ang toto---“
“Kyaah! Si ethan andito naa!” tili ng isang babae doon na dahilan nang pagkaputol na sasabihin ko.
Napalingon si Chea sa kanila, Nakita kong pumasok si Ethan ng pintuan na nakangise kasama ang mga barkada nya, Kung ganun. Hinintay din pala sya nito para sabay-sabay nakapagenrol.
“Oh my gosh. Ate, si Ethan.” Utas ni Chea pagkatapos ay tumayo sa kinauupuan nya.
Nakita ko kung paanu mangningning ang mata ni Chea habang nakatingin kay Ethan. Nagsimula akong makaramdam ng kung anu sa loob ko, Mahal nya nga.. Mahal nya nga si Ethan..
Ngumite sya. “Mahal ko talaga sya. Sana balang araw mapansin nya rin ako, Wala akong pakialam kung anung dapat kong gawin para mapasakin sya, Kahit anu.. Kahit anu ate gagawin ko, Kahit anu kakalabanin ko. at kung may haharang man sa daraanan ko..” utas nya pagkatapos ay humarap sakin..
“Kakalabanin ko din.” Matamang sabi nya. Napasinghap ako dahil doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. gusto kong maiyak, gusto kong maglupasay dito ngaun din. Pakiramdam ko, Nasusunog ako sa kinatatayuan ako.
“Ate.. traitors go to hell?” tanung nya sakin.
Napatingin ako sa likuran nya kung asan andun si Ethan na natamang nakatingin sakin. Bumuntong-hininga ako.
Hindi ko kaya.. Hindi ko kayang makasakit ng iba..
Yumuko ako pagkatapos ay kinagat ang ibabang labi ko. “oo. T-traitors go to hell..” Matamang sabi ko.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomansaFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...