Chapter 58

5.8K 147 7
                                        

Chapter 58

Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko sya maintindihan. Bakit ganyan ang inaasal nya ngaun sa akin? Akala ko ba ayaw na nya? Akala ko ba..

“Si C-chea.” Nangangatal na utas ko.

“Hindi ka tanga Abby. Ikaw ang mahal ko bakit kami magkakaroon nang relasyon?” Utas nya.

Kumunot ang noo ko. “Eh, anu kayo?” tanung ko sa kanya.

Tumitig sya sa akin. “Were nothing. Ginawa ko lang un  para pagselosin k—“

Hindi natapos ang sinasabi nya dahil tinulak ko sya sa dibdib. Nakita ko ang pagkagulat nya nang dahil doon.

“A-Anung-“

“Bakit ba ang hilig mong manggamit ng tao para makuha ang gusto mo huh?” singhal ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin. “Mahal ka ni Chea, Bakit mo ‘to ginagawa sa kanya?” utas ko.

Tumulo ang luha sa mata ko. Akmang lalapit sya sa akin pero lumayo ako nang kaunte.

“Hindi ko sya ginamit abby, Ginawa ko ang lahat para matutunan syang mahalin pero wala..” Aniya. Natigilan ako nang dahil doon. “Ikaw padin. Ikaw lang.” Aniya.

Lumunok ako nang maraming laway. Tuloy-tuloy na tumulo ang luha sa mga mata ko. Sobrang nababagabag ang loob ko ngaun dahil nakita kong umiyak si Chea sa kanina, Hindi sya naging mabuti sa akin nitong mga nakaraang buwan pero naging bestfriend ko padin sya kaya ayoko pading makita syang ganun. Mahal na Mahal nya si Ethan.. Pero mahal ko din ang mahal nya.. Sobra..

“Let’s start again.” Halos paos na sabi nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ang buong akala ko magiging masaya ako kapag bumalik si Ethan sa akin, Kahit na may masaktan pang iba. Kahit na makasakit pa ko nang iba. Kahit sino pa yan, Kahit anu pa yan, Pakiramdam ko. Nagiging madaya nadin ako sa larong ito. Nang mga panahong nangungulila ako sa kanya, Naisip ko, Kahit sinong masaktan wala akong pakialam, maging masaya lang ako. Mapasaakin lang ulit si Ethan.

Pero ngaun, Hindi. Iba na ang pananaw ko. Hindi ko kayang maging masaya habang may mga taong nasasaktan sa paligid ko, Hindi ko kaya.

Umiling-iling ako sa kanya. “No. Ethan, Hindi pwede hangga’t may nasasaktan pa tayo.” Utas ko.

Kumunot ang  noo nya. “What?”

“Mahal kita, Pero hindi ako magiging masaya hangga’t may mga tao pa tayong nasasaktan. Tapusin mo kung anu man ang meron kayo ni Chea. Sabihin mo sa kanya ang lahat, Ethan, Wag mo na syang paasahin.” Utas ko.

“I don’t care about her. ikaw lang ang importante sa akin. Bakit ba may pakialam ka pa sa kanya, samantalang sobra ka nyang sinaktan noon!” sigaw nya.

“Pero sinaktan mo din naman ako.” Utas ko. Nakita kong natigilan ang boses nya.

“Abby!” Parehas kaming napalingon ni Ethan nang dahil doon. Nanlaki ang mata ko nang makita si  Mike sa likuran namin na hinihingal.

“Mike..” bulong ko.

Inilahad nya ang kamay nya sa akin. “Abby. Let’s go. Wag ka nang sumama sa kanya. He hurt you. Pwede nyang ulitin ‘yun.” May halong pagmamakaawa ang boses nya.

Nakaramdam ako nang pagkahabag sa kanya. Nakikita ko ang mumunting butil nang pawis na tumatagagtak sa mukha ni Mike. Malamang kanina pa nya kami hinahanap ni Ethan. Suminghap ako. Bakit ba habulan ang nangyayari sa amin?

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon