Chapter 23
Gabi na nang maauwi kami ni Ethan sa bahay ni lola. Hindi ako umiimik. Suot-suot ko pa ang t-shirt nya, Hindi ko lubos maisip kung paanung nagawa kong makipaghalikan sa kanya. Gusto kong tuktukan ang sarili ko ngaun. Anu bang pumasok sa isio ko at ginawa ko yun?
Pakiramdam ko ay nawala ako sa sarili ng oras na iyon, Kung hindi kami lumubog sa tubig ay baka hindi pa kami bumitaw sa isa’t-isa. Mababaliw na nga ata ako!
Umiling-iling ako pagkatapos ay tinulak ang pintuan.
“Oh, Bakit nabasa kayo?” tanung ni Lola sabay lapit sakin.
“kukuha ako ng tuwalya!” utas ni ellie pagkatapos ay agad na kumuha ng tuwalya at ibinigay kay ethan.
Minasama ko sya ng tingin. Nag piece-sign lang sya sakin.
“Asan ang iba?” tanung k okay ellie.
“Wala pa si Mama at Papa pati si Joel, nasa bayan pa sila.” Utas ni ellie sakin.
“mabuti pa, magpalita muna kayo ng damit. San ba kayo galing ha?” tanung ni lola samin.
Binalingan ako ng tingin ni ethan pero nagiwas ang ng tingin. Uminit ang pisnge ko ng maalala ang nangyari kanina.
“Naligo po sa Lubao Falls.” Sagot ni Ethan.
Nanlaki ang mata ni lola.”Naligo?” utas nya.
Napangiwe ako pagkatapos ay sumabat na. “A-ah, magpapalit po muna ako ng damit.” Utas ko pagkatapos ay nagmamadaling pumasok sa kwarto ko, agad kong sinarado ang pinto at sumandal doon.
Hinawakan ko ang labi ko. Napalunok ako habang bumubuntong-hininga ng malalim.
I kissed him back. Bakit?
Dumiretsyo ako sa banyo pagkatapos ay hinubad ang t-shirt ni ethan sakin.
Tinitigan ko iyon kasabay nang pagkalabog ng dibdib ko,
What should I do? What should I do?
*TOK TOK*
“Sino yan?” tanung ko.
“Abby, kakain na!” sigaw ni ellie.
“Lalabas na ako, teka lang.” utas ko pagkatapos ay tinanggal ang tuwalya sa buhok ko.
Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko agad sila na nakaupo sa mesa.
Andun nadin sila joel, tito at tita.
Iniwasan ko ang tingin ni ethan pagkatapos ay umupo nadin.
“Bakit ngaun lang po kayo?” tanung ko.
Ngumite si tita sakin. “Ah. May pailaw kasi sa bayan kanina,” aniya.
“oo nga ateng! Ang gaganda ng mga ilaw ngaun doon!” singit ni Joel.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...