Chapter 30
“Kumusta sa probinsya?” tanung ni mama sakin kinabukasan, Sa Lunes ang pasukan. 2nd year college na ako. Magkaklasi kami ni chea sa lahat ng subject. Ung naging classmates namin noon. Kakalasi padin naman namin pero sa ibang subjects lang.
“Ok naman po. Wala pading nagbago sa CC, maganda padin doon.” Nakangiting sabi ko.
Ngumite si mama sakin pagkatapos ay hinalikan ako sa pisnge.
“Mukhang nagenjoy ang prinsesa namin doon ah.” Utas nya sakin. Ngumise ako. “Opo.” Sabi ko sa kanya.
Umakyat ako sa kwarto ko pagkatapos nun.
Naiinip ako dito sa bahay pero ayaw ko namang lumabas. Humiga nalang ako sa kama ko pagkatapos ay tumitig sa kisame.
Pagkatapos nung eksenang nanyari sa CR kahapon, Hindi na ako nakabalik pa kay Chea dahil hinila na ako ni Ethan at ihatid pauwi. Nagtext nalang ako kay Chea na sumama ang pakiramdam ko.
Umismid ako. Dito pa sya nag dinner kagabi, Bakit ba welcome na welcome sya sa pamilya ko?
Nag-ring ang cellphone ko.
Kinuha koi yon at sinagot ng hindi manlang sinusulyapan kong sino ang tumatawag.
“Hello.” Magandang bungad ko.
“Baby..”
Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay napatayo. Sinilip ko ang screen ng cellphone ko at nakitang si Ethan ang tumatawag.
“E-ethan!” utas ko
Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. “Ako nga.” utas nya sakin.
Umismid ako. “Bakit ka tumawag?” tanung ko sa kanya.
“Wala lang. Namiss lang kita.” Matamang sabi nya sakin ng nagpainit ng mukha ko. Ningatngat ko ang kuko ko pagkatapos ay tinaas ang isa kong kilay para maiwasan ang pagngiti.
“T-tumigil ka nga!” utas ko sa kanya.
Sumighap sya. “Youre so cold.” Sagot nya sakin.
Hindi ako sumagot. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang paulit-ulit ng tinutuktok ang ulo ko.
Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin, Pero iyon talaga ang lumalabas sa bibig ko.
“M-may sasabihin ka pa?” tanung ko.
Tumahimik sya sa kabilang linya. Tumahimik din ako, Medyo matagal din iyon pero hindi ko magawang ibaba ang tawag. Naiinis na Naiinip na ako, Kaya wala akong ginagawa kundi ang ipadyak ang paa ko sa sahig habang hinihintay syang magsalita.
“Hoy! Wala ka nabang sasabihin?” tanung ko sa kanya.
Suminghap sya sa kabilang linya.”Bakit hindi mo pa binababa?” tanung nya sakin. Nanlaki ang mga mata ko.
“ah.. anu, kasi..” utas ko pagkatapos ay nagkamot ng ulo.
“Sige lang, Magsalita ka lang.” aniya.
“Huh?” naguguluhang tanung ko sa kanya.
“I want to hear your voice before I leave.” Utas nya sakin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomantikaFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...