Chapter 14

6.4K 142 7
                                        

Chapter 14

“Break a leg guys!” utas ni Josephine ng magsimula na kami.

Nakatignin lang ao habang pinapanuod ang gumanap ng nanay ko sa kwento habang nagtatahi at kunwaring nasugatan ang kanyang daliri. Binaling ko ang tingin ko sa mga batang mukhang nageenjoy naman. Sa kabilang banda ay andoon naman ang mg aka-schoolmate namin.

Binalingan ko si ethan na cool na cool lang na nakaupo sa kanyang upuan. Kumunot ang noo ko, ganun ba talaga sya katalino para mamemorized ng ganun kabilis ang linya nya?

Nakapikit ang mga mata nya, Mukhang natutulog. What the? Paanu nya nagagawang matulog sa mga ganitong pagkakataon?

“ethan is sleeping? My goodness! He’s so handsome.” Utas ni Jhen. Napatingin muli ako sa kanya. Inaamin ko, mala-anghel talaga ang mukha nya. Hindi ko magawang maitanggi ang kakaibang kagwapuhan ng lalaking ‘to.

Isa syang alamat.

Ikinagitla ko ng idilat nya na mata nya at tumingin sakin. Agad akong nagiwas ng tingin. Feeling pa naman ang lalaking ‘to. Baka isipin nya may gusto ako sa kanya.

Dumilim ang paligid ng matapos ang unang scene. Lumabas na din ako sa kurtina pagkatapos noon at ginawa ang scene ko kasama ang aking madrasta. Nadeliver ko ng maayos ang linya ko, hindi talaga ako kinakabahan dahil sanay naman akong humarap sa mga tao.

Natapos ang scene ko ng maayos, Napatingin ako sa direstyon ng mga kasamahan ko, nanlaki ang mata ko ng makita si ethan na nanunuod sakin habang nakangise. Napalunok ako. What is he doing? Is he distracting me?

Ginawa pa ang iilang scene, ang pagpunta ko sa bahay ng mga dwende at kung anu-anu pa. Hanggang sa mapunta na sa pinaka-climax ng kwento.

“Pretty little child! Let me in! Look what I have for you!” 

Umikot ako tapos pinitik ang buhok ko. “I am so sorry, old lady, I cannot let you in! The seven dwarfs have told me not to talk to strangers!”

Lumapit sya sa akin, “Here, take this,” utas nya tapos inabot sa akin ang isang mansanas.

“Shiny read apple.. I want to taste it.” Utas ko. Kinagat ko ang apple. Umikot ako tapos natumba sa isang magandang kama na nasa stage.

“BWAHAHAHA. Finally! Your died! Mirror mirror on the wall, tell me who’s the prettiest of them all!”

“You’re the prettiest, my queen.”

Dumilim ang paligid. Pagil ang hininga ng mga nanunuod. Ang mga bata ay sobrang naapektuhan sa pagkamatay ni Snow white, Naku. Kung alam lang nila na ako ‘to baka nagpugay pa sila.

Bumukas muli ang ilaw. Nadidinig ko ang pagiyak ng seven dwaft sa paligid ko.

“She’s died!”

“Our princess is dead!”

“My Snow White, Our Snow white!”

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon