Chapter 16

6.7K 153 7
                                    

Chapter 16

Ilang beses kong sinabi na sarili ko na pagkatapos ng play wala na akong magiging kaugnayan sa lalaking to, Pero ito ako ngaun. Nasa loob nang mamahalin nyang kotse.

Goddammit. Anu bang pinakain sakin ng lalaking ‘to at napasama nya ako?

“Bakit ang tahimik mo?” tanung nya sakin.

Inirapan ko sya. “Wag mokong kausapin!” utas ko.

Nadinig ko ang mahina nyang paghalakhak. “Gustong-gusto ko talaga kapag nagtataray na.” utas nya.

Uminit ang pisnge ko sa sinabi nya, Hindi ko magawang lumingon dahil pakiramdam ko ay masusunog ako kapag nagtama ang mga mata naming dalawa. What the hell? Anung nangyayari? What is it my heart is beating so fast? Anu bang nangyayari sakin. Pumunta ako sa school na ‘to para magaral at para makapag move on sa ginawa ni Lea at Mike sakin. Kaya wala akong panahon para sa mga bagay na’to. Isa pa.. si Chea

Napatakip ako sa bibig ko. Oh my Gosh! Oo nga pala! Si Chea. She’s inlove with Ethan. Kaya hindi pwede. P-pero teka nga Abby! Anu bang problema? Hindi ka naman inlove kay Ethan. Yes! You kiss. Once.. Twice.. P-pero dahil lang sa play iyon! Isa pa, Pinaglalaruan kalang nya. No feelings involved! Im sure kapag nakuha ka nya, lilipat na naman sya sa iba..

I won’t let that happen! No way!

“Abby.” Napatigil ako nang madinig ang seryosong boses ni Ethan.

“b-bakit?” nangangatal na utas ko habang hindi manlang sya tinitignan.

Madinig ko ang malalim nyang buntong-hininga. “Bakit hindi ka makatingin sakin?” Aniya.

Lalong kumabog ang dibdib ko, Sinasabi ko na nga pa at delikado tong ginawa kong  pagpasok sa loob nang kotse nya.

“W-wala lang.” and yes! Im stammering! Im very much aware of that at naiinis ako!

“Don’t tell me my presence is bothering you?” utas nya.

Napatingin ako sa kanya dahil doon. Tsaka ko lang narealized na nakahinto na pala ang sasakyan sa mismong bar na pupuntahan namin.

Napatingin ako sa labas nang bintana nang marealized na wala akong takas sa matatalim na mata ni Ethan. What the hell is happening to me?

“A-andito na pala tayo, baba-ba na ako..” utas ko. Akmang bubuksan ko ang pintuan nang hawakan nya ito dahilan para makulong ako sa bisig nya.

I try to compose my self sa kabila nang naghuhumentado kong puso. “Anu ba! tigilan mo na ang pagtri-trip mo sakin pwede?” utas ko pagtapos ay pilit na kumakawala sa kanya pero hindi nya ako pinayagan.

“Bakit? Sinong may sabing nagtri-trip lang ako sayo?” aniya.

Nalaglag ang panga ko dahil doon.

Kumunot ang noo nya sakin. “Hindi mo ba nakikita? Im drown to you.” Aniya.

I swear ramdam na ramdam ko na talaga ang pagpitik nang dibdib lalo na nang maramdaman ang paglapat nang dibdib ko sa mismong dibdib nya dahil sa pagkabig nya sa akin.

Nagaalburuto na ang tiyan ko, Para akong natatae na ewan. This is so Bad. So freaking bad.

I hate boys! Galit ako sa lalaki lalo na sa tula nya. Bakit nya ‘to ginagawa sakin? Pinaglalaruan nya ako.

“I hate you. Galit ako sa mga playboy at manloloko na tulad mo!” utas ko pagkatapos ay pilit syang itinutulak. Pero sadyang malakas sya. Ewan ko kung bakit pero I feel so weak.

“Stop it, Abby. Wala ka nadin namang magagawa.. this no way you can escape me.” Utas nya. Napatingin ako sa kanya dahil doon. Namilog ang mata ko nang makita ang confident nyang ngiti.

Lumayo sya sakin pagkatapos ay pinagbuksan ako nang pintuan.

“Lets go.” Aniya.

Lumabas na din ako. Nauna syang maglakad papunta sa Bar na iyon. Nakatitig lang ako sa likod nya. I wonder kung anung iniisip ni ethan. I wonder kung anung gusto nyang nangyari.

Pagpasok naming sa loob ay agad akong sinalubong ni Josephine.

“Yay! Kala ko hindi na kayo pupunta!” halos pasigaw nyang sabi. Tinakpan ko ang bibig ko nang maamoy ang alak sa bibig nya. Hindi ako sanay pumunta sa mga ganitong klaseng lugar. Thisi s my first time… and probably, also my last.

Naduduling ako sa mga naglalarong ilaw sa paligid. At masyadong malakas ang tugtog, Masakit sa tenga.

Umupo ako sa tabi nang make-up artist kong si Jhen.

“Sorry, Haha. Mukhang may tama na si Josephine, Kanina pa naming kayo hinihintay eh.” Aniya. Kinuha nya ang isang bote nang alak pagkatapos ay inilagay sa baso, Napatingin ako sa kanya nang iabot nya iyon sakin.

“Gusto mo?” tanung nya.

Todo iling ako. “hindi. Hindi. Hindi ako umiinom. Juice nalang?” utas ko.

“juice lang? Ang boring naman..” utas ni Amy. Napatingin ako sa kana dahil doon. Umismid ako. Seriously, Anung problema nya akin?

“Masarap ba ang halik ni ethan? Naku! Sobrang trending na ang kiss scene nyo! Ang swerte mo naman gurl!” aniya.

Hinawakan sya sa braso nang boyfriend nyang si Rick. “Sorry. Lasing na sya.” Utas nya.

Ngumiti lang ako.

Inabutan naman ako ni Hara nang juice. “Wag mo nalang syang pansinin. May gusto kasi kay Ethan yan noo pa.” utas nya.

Nanlaki ang mata ko. “Pero, diba sila ni Rick?” tanung ko.

Umismid si hera pagkatapos ay umupo sa tabi ko. “Naku! Si rick lang naman ang patay na patay dyan! Ewan ko ba!” aniya.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Lasing na si Amy at pilit na inaalis ang kamay ni Rick sa kanya. Kinagat ko ang labi ko. How cruel, Hindi talaga unfair ang mundong ito.

Mahal ka, hindi mo mahal.

Mahal mo, Hindi ka naman mahal.

“Sayaw tayo.” Aya ni Jhen.

Umiling ako.

“Dito nalang siguro ako.” Utas ko. Nagkibit-balikat sya pagkatapos at sumama na sa iilang nasa stage at nagsasayaw. Naiwan akong magisa sa table.

Bumuntong-hininga ako habang pinagmamasdan sila. Bakit ba ako napunta dito?

Napatingin ako sa tabi ko nang maramdaman na may tumabi sa akin.

Uminit ang pisnge ko nang makitang si ethan iyon. Nakangese sya habang nakatingin sakin gamit ang matatalim nyang mata.

Nagiwas ako nang tingin nang hindi na makayanan ang intensity nang titig nya.

“bakit ka magisa dito? Hindi kaba sasayaw tulad nila?” utas nya.

Umirap ako. “Anung pakealam mo? Isa pa, Para naman sumasayaw ako nang ganyan.” Utas ko.

Mas lumapit sya sakin. Para akong nakuryente nang maramdaman ang pagtama nang braso nya sa braso ko. Awtomatik na napalayo ako.

“Sabagay. Isa pa, Para namang hahayaan kong sumayaw ka nang ganyan sa harap nang iba. Dapat ako lang ang makakakita.. Dapat sa harap ko lang..” Aniya.

Inihilig nya ang ulo nya sakin.

“I want to be the only person who can see you.. Paanu ba kita babakuran para hindi makita nang iba ang nakikita ko ngaun sayo, huh?” aniya.

Nagsiliparan ang paru-paru sa tiyan ko dahil sa sinabi nya.

“t-tigilan mo nga ako!” utas ko sabay tulak sa dibdib nya.

Kinagitla ko nang hawakan nya ang kamay ko.

“Bakit kita titigilan?” utas nya. Napasinghap ako. No! this can’t be. Kahit sino wag lang ako!

“I won’t stop until I will be able to reach you, Abby.”

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon