Chapter 48

5K 105 5
                                    

Chapter 48

Halos hindi ako makatulog ngaun, Kung  dati ay napakasarap nang tulog ko kapag andito ako sa CCngaun ay par aba akong binabalot ng  matinding kalungkutan. Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko ay wala akong ibang makita kundi ang mukha ni Ethan.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pagkatapos ay tinitigang mabuti ang ceiling. Alas tres na nang madaling araw pero hanggang ngaun ay hindi padin ako nakakatulog.

Pinikit ko ang mata ko pero wala akong ibang makita kundi ang nagmamakaawang itsura ni ethan sakin habang umiiyak. Pinagdikit ko nang madiin ang labi ko habang niyayakap ako nang madaming ala-ala namin dito sa CC. This is terrible. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Regret? Damn. Ramdam na ramdam ko ito ngaun.

Gumising ako kinabukasan nang maaga. Lumabas ako sa bahay pagkatapos ay umupo sa isang duyan doon, Pinamasdan ko lang ang buong tanawin sa CC habang nagmumuni-muni. Paanu kaya kung magkaroon na sya ng iba doon? Ang sabi nya sa akin. Matagal na nya akong mahal, Pero possible kaya na ma-fall out sya sa akin? Madaming magagandang babae sa ibang bansa, Alam na alam ko ang tipo ni Ethan sa babae, Kaya possible kayang makahanap sya nang iba? Kahit pa sinabi nya na mahal nya ako?

Pumitik ang dibdib ko. “Posible kaya?” utas ko

Umiling-iling ako. Mababaliw na ata ako kakaisip.


“Himala, Gising kana.”

Napalingon ako nang madinig ang boses na iyon. Nakita ko si Ellie na naglalakad papalapit sa akin habang nakangiti. Ngumiti din ako ng pilit sa kanya. Tumabi sya sa akin.

“Hindi kasi ako makatulog.”

Napa- O ang bibig nya. “Aba, Himala talaga! Ngaun lang nangyari ‘to. Hindi ka lang naman nakakatulog pag inlove ka, o kaya nasaktan.” Tumawa sya. Tumahimik naman ako.

Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay yumuko. Pigil ang bawat paghinga ko dahil ayokong humagulgol sa harapan nya. Naramdaman ko ang marahan nyang pagtapik sa balikat ko.

“Anung nangyari?”

Umiling-iling ako. “W-wala.”

“Common. Hindi ka naman magiging ganyan kung wala talaga.” Hindi ako sumagot. Naramadaman ko ang kamay nya sa kamay ko.

“Si Ethan anu?”

Napatingin ako sa kanya nang dahil doon.

Hindi pa ako nagsasalita ay muling tumulo na ang luha sa mga mata ko.

“Sabi na eh. Anu bang nangyari sa Maynila?”

“P-pinaglaruan nya lang ako, Ellie. Tama ba ‘yun? Sinasabi nyang mahal nya ako. Pero, it is all his damn game! Sinadya nya ang lahat. Sinadya nyang mahulog ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko, Mahal ko sya pero hindi ko matanggap ang ginawa nya.” Umiiyak na utas ko.

Naramdaman ko ang malalim na buntong-hininga ni Ellie.

“Ganoon naman talaga hindi ba? Kapag nagmahal ka. Nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo naman talaga nagagawa noon?”

Napatingin ako sa malungkot nyang mga mata.

“Parang ikaw noon, Hindi ba’t nagawa mong magsinungaling sa mga magulang mo para lang mapangalagaan kung anuman ang meron kayo ni Mike?” tanung nya.
Tumungo-tungo ako.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon