Chapter 33
Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil doon, Napasinghap ako habang nagiiwas ng tingin sa kanila. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ito totoo, Pero paulit-ulit ding isinasampal sa akin ang katotohanang, Andito nga sila ngaun sa harapan ko.
“Ate?” utas ni Chea sakin pagkatapos ay pinulot ang cellphone ko at inabot sa akin. Napatingin ako sa kanya. Pakiramdam ko ay mauubusan ng dugo dahil sa kaputlaan.
“Mr Sayson and Ms. Ramirez, You can take your seat at the back.” Utas ng professor namin. Yumuko ako at iniiwasan ang tingin nila. Nang sandaling naglakad sa tagiliran ko si Mike at kumabog ng sandali ang dibdib ko, Niyayakap na naman ako ng maraming ala-ala, Kabilang na doon ang kahayupang ginawa nila ni Lia sakin noon.
Nagpatuloy ang discussion nang professor namin kahit na hindi ko naman talaga magawang makinig. Nawawala ako sa sarili. Kanina ko padin nararamdaman ang nagvi-vibrate kong cellphone pero hindi koi yon matignan. Hindi ako makapaniwala sa nangyari ngaun, Aaminin kong naaapektuhan padin ako. Oo, sobrang apektado ako.
Ex boyfriend ko si Mike na inagaw sakin ng ex- bestfriend kong si Lia.
Nung nagbell ay agad akong tumayo sa kinauupuan ko, Halos mataranta ako habang nagliligpit ng gamit. Nanginginig din ang kamay ko. Basta ang alam ko lang, ayokong makita ang pagmumukha nilang dalawa. Ayoko.
“Ate ok kalang?” tanung ni Chea sakin.
Binalingan ko sya sandali pagkatapos ay tumungo-tungo. “O-oo magkita nalang tayo sa susunod na klase.” Utas ko sa kanya pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng klase.
Nadinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko na sya nagawang lingunin dahil sa pagkataranta ko.
Minadali ko lalo ang paglalakad ko nang makitang tumayo si Mike sa upuan at lalapitan ako, Para akong hinahabol ng kabayo dahil sa kaba.
“Abby!” utas nya.
Umiling-iling ako pagkatapos ay nagmamadaling naglakad.
“Abby, wait!” sigaw nya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Naagaw na namin ang attensyon ng ibang estudyante pero wala akong pakialam, Sa ngaun ang gusto ko lang ay ang umalis. Ayoko syang harapin. Ayoko.
“Abby sandali lang!” utas nya pagkatapos ay hinablot ang braso ko, Napalingon ako sa kanya ng dahil doon pero agad syang sinalubong ng malakas ng sampal pagkatapos noon.
Halatang nagulat sya sa ginawa ko dahil kitang-kita ko kung paanu tumigil ang systema nya ng dahil doon. Napasinghap ang mga tao sa paligid pero wala akong pakialam, Ang nasa isip ko lang ngaun. Matagal ko nang pangarap ang masampal sya ng ganoon, Matagal na.
“Walang hiya ka.” Halos paos na utas ko sa kanya.
Nakita ko ang pagigting ng bagang nya ng dahil doon. “Abby—“
“Matagal ko nang gustong gawin sayo yan. Sa wakas, nagawa ko na din. Wag na wag mo na akong kakausapin. Ang lakas naman ng loob mong lapitan pa ako pagkatapos ng ginawa nyo sakin ni Lia..” Nangangatal na utas ko sa kanya.
Nanginginig ako sa sobrang galit.
Pinipilit nyang hawakan ang braso ko pero umiiwas ako. “Im so sorry. Im so s—“
“Stop it. Wag mo na akong kausapin.” Utas ko pagkatapos ay tuloy-tuloy na naglakad papunta sa susunod kong klase. Kinagat ko ang labi ko.
Hinawakan ko ang kamay kong namula dahil sa pagsampal sa kanya. Wow. Hindi ko alam na kaya ko palang sumampal ng ganun kalakas.
Nakita ko si Lia sa sumunod na klase dahil nga kasama na sya sa block namin. Nagtinginan kami pero nakita ko ang pagyuko nya. Agad na lumapit sakin si Chea pagkatapos.
“Ate, anung nangyari?” Aniya.
Suminghap ako pagkatapos ay binalingan sya ng tingin.
“Si Mike at Lia. Ung kinuwento ko sayo noon.” Utas ko. Nakita kong napahawak sya sa bibig nya.
“What? Oh my gosh!” Aniya pagkatapos ay nilingon si Lia. “Bakit sila andito?” tanung nya sakin.
Nagkibit-balikat ako. “I don’t know.” Utas ko. Naramdaman ko ang pagring ng cellphone ko sa bulsa kaya naman kinuha ko iyon. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Ethan ang tumatawag.
Tumayo ako pagkatapos ay lumabas ng classroom.
“Hello.” Utas ko.
“Bakit ngaun mo lang sinagot?” singhal nya sakin.
Kumunot ang noo ko. sisigawan ko sana sya ang kaso, ibinuga ko nalang sa hangin iyon. Sobrang nababanas na kasi ako ngaun. “May klase ako kanina.” Utas ko.
Suminghap sya.
“are you okay?” tanung nya sakin.
“Yes. Kelan ka uuwi?” tanung ko sa kanya. Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa. “Why? You miss me already? Sabihin mo lang na miss mo ako babalik ako dyan ngaun din.” Aniya.
Umismid ako kasabay nang pagpula ng pisnge ko. “Asa ka. Wag ka nang umuwi kung gusto mo.” Utas ko sa kanya.
“I’ll be there in 4 days. My Dad needs me here. Pagkauwing-pagkauwi ko palang ikaw agad ang pupuntahan ko.” Aniya.
Kumabog ang dibdib ko kasabay ng pagsiliparan ng mga paru-paru ko sa tiyan.
“Baby, Did you miss me?” biglang tanung nya. Nanlaki ang mata ko.
“Anung—“
“Kasi ako, Oo. Sobra. Gusto na kitang makita.” Tugon nya.
Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay yumuko.
Pinakiramdaman kong mabuti ang tibok ng puso ko. Isa pang problema, M-mahal ko na sya.
“Ingat ka dyan, Ethan.” Utas ko.
“ok then, I love you.” Sabi nya bago binaba ang linya.
Suminghap ako pagkatapos ay tinakpan ang mukha ko. What the hell is happening to me? Bakit ngaun pa? Bakit ako pa?
“Abby.” Napaangat ang tingin ko ng dahil doon.
Kumunot ang noo ko nang makitang si Mike ang nasa harapan ko, Umirap ako at aktong tatalikuran sya ng hawakan nya ang kamay ko at hagitin ito.
“Anu ba!” singhal ko sa kanya pero hindi nya padin ito binibitawan.
“Abby, My boyfriend ka na ba?” tanung nya sakin.
Umismid ako nang makita ang kakaibang ekspresyon ng mukha nya.
“Bitawan mo nga ako! Anu bang sinasabi mo?” utas ko.
“May mahal ka na ba ngaun? May mahal ka nabang iba?” tanung nya.
Tumaas ang kilay ko nang makita ang itsura ng mga mata nya. Ang kapal ng mukha nyang pakitaan ako ng ganyang itsura. As if sya ang nasaktan!
“Oo. Meron na! Anu naman ngaun sayo? Meron na akong ibang mahal ngaun! Nakapagmove on na ako sayo!” Singhal ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkagulat nya kasabay ng pagbitaw nya sa kamay ko.
“Nahuli na ako.” Mahinang tugon nya.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...