Chapter 15
“Teka, may kaylangan akong puntahan.” Sabi ko kay Josephine matapos kong makapagbihis. Nasa basckstage na kaming lahat at nagsibihisan.
“Sino naman?” tanung nya sakin.
“ung kaybigan ko.” sabi ko. Umiling-iling sya tapos hinawakan ako sa braso.
“No.No.No. My party mamaya. Aren’t you coming? Isa pa, Ang laki ng nakalap na pondo dahil sa play na ito. Malaking pasasalamat naming un sa inyo. Lalong-lalo na sa inyong dalawa ni Ethan.” Hinawakan nya ang mukha nya. “Oh my Gosh! Nagtrending na worldwide ang kissing scene nyo!” tili nya.
Pinamulahan ako ng mukha. Pinaalala pa sakin ang halik na ‘yun.
“Hindi na siguro ako pupunta, isa pa. Bawal ako magpagabi masyado.” Sabi ko.
Kumunot ang noo ni Josephine sakin. “No! hindi pwede. Don’t worry. Kaming bahala sayo. We will call your parents. Im sure, papaya sila since success naman ang play.”Aniya.
Umiling-iling ako. “hindi na talaga, Josephine. Salamat nalang. Isa pa kaylangan ko na talagang umalis.” Sabi ko.
“No. I just call your parents. Pumayag na sila.” Napalingon kami sa pinaggagalingan ng boses na iyon. Lumuwa ang mata ko ng makita si ethan sa likod. Naka v-neck na t-shirt nalang sya, denim jeans, at rubber shoes. Meron din syang suot-suot na pulang bonnet.
May hawak pa syang pulang mansanas na kasing pula ng labi nya.
Tinignan ko sya ng masama. “Paanu mo nalaman ang number namin sa bahay?” galit na saad ko.
Kinagat nya ang apple na hawak-hawak nya. Lumunok ako. Panay ang pisil ni Josephine sa braso ko, Malamang naapektuhan na sya sa pheromones na pinapasabog ni ethan.
“I have to go! Usap lang kayo!” sabi ni Josephine tapos tinapik ako sa balikat.
“Tek—“
Huli na ng mapansin kong dalawa nalang pala kami ni ethan na natitira dito.
“binigay sakin ng papa mo ang number nyo.”
Binalingan ko sya. “what? Imposible!” utas ko.
Ngumite sya. “Mukhang gusto nya ako.” Confident na sabi nya. Yumuko ako tapos nagisip ng mabuti.
Ang sabi ni papa sakin, Hindi pa ako pwedeng tumanggap ng manliligaw o magkaboyfriend. Ni, wala akong dinalang lalaki sa bahay bukod kay mike na buong akala nila ay boyfriend ni Lia at kaybigan ko lang. Isa pa, Dahil sa nagiisa akong anak. Mahigpit si papa pagdating sakin.
Kaya paanung…
“Nagtataka ka?” aniya. Napaangat ang tingin ko ng makita syang papalapit sa akin, Dinilaan nya ang labi nya pagkatapos ay ngumese sa harapan ko habang hawak-hawak ang kinagatan nyang apple.
“Lahat sila gusto ako, ikaw lang ata ang hindi.” Aniya.
Naamoy ko ang mabango at nakakahilo nyang pabango kaya naman buong lakas ko syang itinulak palayo sakin.
“Kasi, hindi nila alam ang totoong ugali mo.” Umirap ako pagkatapos. Akmang tatalikuran ko syang ng magsalita syang muli.
“Bakit ikaw alam mo?” tanung nya.
Napatigil ako dahil doon.
“Oo! Alam ko! playboy ka!” sigaw ko.
Kumunot ang noo nya sakin. “tapos?” aniya.
Inaawang ko ang bibig ko pero wala na akong ibang masabi pa. Bukod sa pagiging playboy nya anu pa nga ba?
Itinikom ko ang bibig ko. Bukod doon, wala na nga akong alam sa kanya.
“Magnanakaw na halik!” sigaw ko ulit. Mukhang nagulat sya sa sinabi ko pero ngumite din pagkatapos.
Lumapit sya tapos itinaas ang baba ko. “Yeah. Tama ka nga. Im a stealer.” Ngumise sya. “That’s why I steal you.” Aniya.
Kumunot ang noo ko sa makahulugang sinabi nya.
“Anu?” sabi ko.
Nugmise sya tapos inilagay sa kamay ko ang apple na may kagat nya.
“You can have this. May laway ko na yan. Di bale, We share a saliva right? Kaya ayos lang.” utas nya bago umalis.
Kumulo ang dugo ko to the highest level.
“bwisit!” utas ko. Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos ay sinubukang tawagan si Chea pero hindi nya ito sinasagot.
Umismid ako. Malamang galit un sakin.
Bukas ko nalang siguro sya kakausapin.
Luminga ako sa paligid pero hindi ko na nakita sila Josephine at ang iba pa.
“Asan na sila?” bulong ko.
“Nauna na sila.” Agad akong napalingon ng madinig ang boses na iyon. Bakit andito pa ang isang to?
“Bakit andito kapa?” tanung ko.
Sumandal sya sa sports car nyang red pagkatapos ay tinitigan ako gamit ang matatalim nyang mata. “Hinihintay kita.” Aniya.
Nanlaki ang mata ko. Umihip ang malakas na hangin. Kung hindi sya nakabonet ay malamang tinatangay na naman ang perpekto nyang buhok. Mukha syang diyos tignan kapag ganun.
Ngumuso ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong masabi ngaun, Para akong naubusan ng salita.
“Get it.” Utas nya tapos binuksan ang pintuan ng sasakyan nya. Kumunot ang nook o. What will happen kapag pumasok ako dyan?
“Don’t worry. I won’t bite you.” Utas nya.
Napatingin ako sa nakangese nyang mukha. Uminit ang pisnge ko.
DANGEROUS.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomantizmFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...