Chapter 20

6.9K 164 17
                                    

Chapter 20

“Good Evening po.” Bati ni ethan kila lola, Nakita ko kung paanu magreact ang katawan ni lola ng kunin ni ethan ang kamay nya para magmano.

Maging si Tiya at Tiyo ay nakatulala saming dalawa.

Napatakip naman sa bibig nya si Ellie habang pinapasadahan ng tingin ang isang mala-diyos sa kagwapuhan na si Ethan, habang si Joel ay walang tigil sa pagkurap-kurap nya.

“K-kaawaan ka ng Diyos.” Utas ni lola pagkatapos ay binalingan ako. “Sya ba ung kaibigang sinasabi ng mama mo?” tanung nya sakin.

Tumango-tango ako. I knew it. Ang akala nila babae! Tsss.

Binalingan ko si Ethan na confident lang habang nakangiti sa kanila, Kitang-kita ko talaga kung paanu pumula ang pisnge ni tiya habang tinitignan si Ethan. Napasimangot ako pagkatapos ay sumingit na.

“hmm. Ilang araw lang naman po sya titira dito, tapos kukuha na po sya ng hotel sa bayan para doon matulog!” utas ko.

Napatingin sya sa akin. Unirapan ko naman sya.

Naglakad si tiyo pagkatapos ay Sumilip si Tiyo sa bintana.

“Sayo ba ang pulang kotse sa labas, hijo?” tanung nya.

Tumungo si Ethan. “Opo. Ethan po pala.” Utas nya pagkatapos ay nagalok ng kamay kay tiyo, Nakita kong pinunasan pa ni tiyo ang kamay nya sa suot nyang damit bago tinanggap ang nagbabadyang kamay ni Brian. Umiling-iling ako.

Napakamot ako sa ulo ko.

“Ethan, magbihis ka na! nabasa ka diba?” singit ko sa kanya.

Binalingan nya naman ako ng tingin. “Cge. Asan ba ang kwarto mo?” tanung nya.

Sabay-sabay na nalaglag ang panga namin. What the?

“A-anung sa kwarto ko? Dun ka!” utas ko sabay turo sa CR.

Kumunot ang noo nya habang pinagmamasdan iyon. I knew it. Hindi ito sanay sa ganito, Ibang-iba kasi dito kesa sa condo nya. Bakit ba kasi andito ang taong to? Pumunta ako sa probinsya para makapagpahinga, pero dahil andito si ethan, pakiramdam ko ay mas lalo akong maiistress dito.

“I-ikaw na ang bahala sa bisita mo? Magpapahinga na kami at maaga pa kami sa farm bukas.” Utas ni tiyo pagkatapos ay hinila na si Tiya at si Lola, gayun din naman si Ellie na pangise-ngise pa sakin.

Pinukol ko sya ng masamang tingin ng makitang hinugis puso nya ang kamay nya sabay turo saming dalawa ni ethan.

“Bro. Sa salas ka nalang matulog ha? Wala na kasing ibang kwarto dito. Sige.” Masungit na sabi ni Joel pagkatapos ay umalis na din.

Ngaun, kaming dalawa nalang ni Ethan ang andito.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon