Chapter 35

5.2K 104 4
                                        

Chapter 35

“S-ino.. Sinong nagutos sayo? A-nung pangalan nang kapatid ni Mike?” Nahihirapang utas ko.

Tinakpan nya ang mukha nya pagkatapos ay mas lalong humagulgol sa harapan ko. Nanginginig na ang buo kong systema. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa puntong ito, Kung gusto ko ba talagang malaman kung sino, Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ko ngaun nang matinding takot at kaba. Pero I want to know, I really wanted to know.

Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay hinawakan sya sa balikat. Inalog-alog ko iyon.

“Wag mo nga akong iyakan! Sabihin mo sakin kung sino!” singhal ko sa kanya.

Tumingin sya sakin na punong-puno nang luha ang mga mata. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang kaawaan o anu. Basta ang alam ko lang ay napakatanga nya para magpaalipin sa sobrang pagibig nya sa kapatid ni Mike.

“A-abby..” Paos na sabi nya.

“Sabihin mo sakin kung sino, Lia!” sigaw ko. Halos mawalan na ako ng boses sa kakasigaw.Walang ibang laman ang utak ko ngaun kundi ang malaman kung sinong hayop ang may kasalanan para maging miserable ang buhay ko.

Hinawakan nya ang kamay ko. Napatingin ako doon. Nanginginig sya sa harapan ko at nanlalamig na animo’y isang bangkay. Napatingin ako sa mga mata nyang diretsyo ang tingin sakin. Punong-puno iyon na paghihigpis at matinding panghihinayang.

“Abby, Hindi ko ito sinabi sayo noon dahil natatakot akong baka sayo sya magkagusto kapag nakita ka nya.” simula nya.

Kumunot ang noo ko. “What the hell are you saying?” utas ko.

“He said he’s inlove with someone. Marumi syang maglaro. Kung anung gusto nya, Palagi nyang nakukuha..” Aniya.

Suminghap ako nang iawang ni Lia ang bibig nya para sabihin sakin kung sino ang taong iyon.

“S-si. Ethan. Lord Ethan Sayson. Pero, Pinapalitan nya ang apelyido nya. He changed his surname dahil sobra ang galit nya sa kanyang Dad at kay Mike. He’s bearing his Mother Surname. Lord Ethan Rodriguez. Si Lord Ethan Rodriguez. He is Mike Older brother.” Nanginginig na sabi nya sakin.

Pakiramdam ko ay tumigil ang pagikot ng mundo ko dahil sa sinabi nya. Nanalaki ang mata ko pagkatapos ay tuluyan nang napaupo sa lapag. Walang patid ang pagtulo ng luha sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan. Ayokong maniwala, Pero sa pagkakataong ito. Alam kong hindi na magsisinungaling sakin si Lia. Hindi sya iiyak ng ganyan sa harapan ko kung hindi talaga sya nagsisisi sa ginawa nya.

“A-abby. S-sorry.” Utas ni Lia.

Umiling-iling ako pagkatapos ay tinakpan ang mukha ko at humagulgol nang iyak. Unte-unteng nabubuo ang lahat ng puzzle sa utak ko, Para itong eksenang nagpagtagpi-tagpi na ngaun. Noon, gulong-gulo ako sa mga kinikilos ni Ethan sa akin. Hindi ako makapaniwalang parang matagal na nya akong kilala. Na parang noon palang pinagmamasdan na nya ang bawat galaw ko, na parang noon palang may alam na talaga sya sa akin, Lahat ng mga makahulugan nyang sinasabi sa akin noo ay naiintindihan ko ngaun ngaun.

Madaya sya! Dammit! Ang daya-daya ni Ethan.

Bakit ngaun pa? Bakit ngaun pa kung kaylan Mahal na Mahal ko na sya? Shet.May mas sasakit paba dito? Ang may kasalanan ng lahat ng hinagpis ko sa buhay ay si Ethan. Sya. Matagal akong nagalit, Matagal akong naging bitter sa buhay. Lahat ng tao sinisisi ko. Mahal ko si Mike noon kaya gumawa sya ng paraan para mapaghiwalay kami ng kapatid nya para lang makaganti? Goddammit? Anung klaseng dahilan un? Napakawalang kwenta nya!

At ako? Mahal nya ba talaga ako? O Lahat ng ito ay parte lang ng napakawalang kwentang laro nya? Shet!

Tumunog ang bell palantandaan na patapos na ang klase, Tumayo ako nang makita ang iilang estudyanteng papasok sa classroom namin, Agad kong tinungo ang bag ko pagkatapos ay lumabas ng classroom. Im planning to go home. Sa mga nalaman ko ngaun at sa mga bagay na tumatakbo sa utak ko, pakiramdam ko ay hindi ko na kayang pumasok pa.

Sobra akong nasasaktan at wala akong gustong gawin kundi ang magkulong nalang sa bahay namin. Pinagtitinginan ako ng mga tao habang nakasakay ako sa jeep dahil panay padin ang iyak ko, Pero wala akong pakialam.

Pagkababa ko sa subdivision namin ay mabilis akong nalakad papuntang bahay, Pagpasok ko doon ay agad akong tumungo a kwarto ay doon umiyak nang umiyak.

Pinaghahagis ko ang mga unan ko sa inis at sa sibrang frustration. Naiinis ako lalong-lalo na sa sarili ko dahil hindi ko napigilang mahulog sa lalaking sumira sa buhay ko at naging dahilan nang pagsakit ng kalooban ko sa loob ng habang panahon. Shet sya!

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa kakaiyak, Minulat ko ang mata ko nang madinig ang pagkatok sa kwarto ko.

“Anak, tulog ka pa? Bumaba kana para kumain.” Aniya.

Suminghot ako pagkatapos ay hinawakan ang mahapdi kong mata. “Hindi na po ako kakain, Busog pa po ako.” Utas ko.

“Ayos ka lang ba?” tanung nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. “O-opo.” Utas ko.

“Bumaba ka nalang kung nagugutom ka.” Utas ni Mama.

“Opo, Mama.” Utas ko.

Napatingin ako sa table ko nang makitang umiilaw ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon. Muling tumulo ang luha sa mata ko nang makitang si Ethan ang nagtext.

From: Ethan

2 days to go. Makikita na kita. I love you!

Umiling-iling ako. Akamang ihahagis ko ang cellphone ko ng tumunog ito. Akala ko si Ethan pero nakita kong unknown number kaya sinagot ko.

“Hello? Sino to?” Walang ganang sagot ko.

“Abby.”

Nanlaki ang mata ko pamilyar na boses.

“Si Mike to. Pwede ba tayong magusapan.”

“Wala na tayong paguusapan” diretsyo kong sabi.

“Abby, Wait. Please.”

Bumuntong-hininga ako. “Please Mike, Not now.” Utas ko.

“Ok then. Tomorrow? After class. Please abby.” Aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. I want to know everything at kung ang pakikipagusap kay mike ang paraan, gagawin ko.

“Ok then. Tomorrow.” Sabi ko bago binaba ang tawag.

Sunod na tumawag si Ethan, Pero nilapag ko lang ang cellphone ko sa mesa at hinayaang magring iyon nang magring.

Tinakpan ko ang mga mata ko.

Ethan, Bakit ngaun pa? Kung kaylan naman Mahal na Mahal na kita.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon