WARNING: SPG!
_
Chapter 68
Hinila ni Ethan ang kamay ko papuntang parking lot. Wala akong nagawa kundi ang magpatinaod sa paghila nya. Mahigpit ang hawak nya ditto. Kinagat ko ang labi ko habang pinamamasdan iyon. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Talaga bang sinabi iyon ni Ethan sa kanila? Ganito nya ba talaga ako kamahal?
Yumuko ako nang patunugin nya ang sasakyan nya, Binuksan nya ang pintuan nun pagkatapos ay pinapasok ako sa loob, Pumasok naman na ako. Nakita kong umikot sya pagkatapos ay pumasok na din. Pagkaupo nya ay agad nya akong binalingan nang tingin, Nakita kong pinasadahan nya nang tingin ang suot kong damit.
Kumunot ang noo nya dito.
Nagiwas ako ng tingin pagkatapos ay hinawakan ang laylayan nang t-shirt.
“Uhm.. Anu, Kay Mike ‘to. Pinahiram nya lang ako since wala akong damit.” Utas ko.
“Uh.. huh.” Aniya pero hindi naman ako binalingan, Nanatili syang nakatingin sa damit na suot ko.
“Etha-“
“Let’s go.” Aniya pagkatapos ay nagsimula nang paandarin ang makina.
Ngumuso ako. “Saan tayo pupunta?”tanung ko.
Tumaas ang kilay nya pero hindi naman sinagot ang tanung ko.
“Hoy, Ethan! Saan tayo pupunta?”
“Sa condo.” Aniya.
Kumunot ang noo ko, Galit ba sya?
Hindi na ako umimik pagkatapos noon, Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay bumaling nalang sa bintana kesa para akong tangang hindi nya kinakausap dito.
“Tss.” Dinig kong sabi nya. Napatingin ako sa kanya nang dahil doon.
Bumaling sya sa akin nang mag-traffic. “I don’t like yout shirt.”
Napaawang ang bibig ko. “pero basa ung damit ko kani-“
“Then, you should use my shirt, either.” Diretsyong sabi nya. Umandar din ang mga sasakyan kaya nagsimula na syang magmaneho.
Hindi ako umimik. Seloso.
Sa halos isang oras na biaje naming ay nakarating nadin kami sa wakas sa condo nya. Pagbababa naming nang kotse ay agad kaming sumakay nang elevator. Hawak-hawak ko ang laylayan nang damit ni Mike. Inamoy koi to. Hindi naman mabaho. Ang bango talaga ni Mike
“Anu? Mabango ba?” biglang tanung nya.
Binalingan ko sya ng tingin. Nakita kong nakakunot ang noo nya sa akin na para bang kanina pa ako pinagmamasdan.
“Tss. Oo, mabango.” Sagot ko.
Tumungo ang elevator. Umiling-iling sya pagkatapos ay lumabas na, sinundan ko naman sya.

BINABASA MO ANG
To Reach You
DragosteFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...