Chapter 11
Hindi na ako pumayag na magpraktis kasama ni ethan, ang sabi ko. kabisaduhin nalang nya ang script. Wala na akong pakialam kung anung mangyayari sa play. Basta! Basta ayokong lumapit pa sa kanya.
“Play na bukas, ate. Kinakahaban ka?” tanung ni Chea sakin. Binalingan ko sya ng tingin habang panay ang pindot sa cellphone nya.
Umiling ako. “Hindi naman masyado. Hindi naman international iyon. Dito lang naman sa school.” Sabi ko tapos pilit ng ngumite.
Hindi sya sumagot, kinuha ko ang script tapos patuloy lang sa pagbabasa.
“Oh my!” tili nya.
Napatingin ako sa kanya dahil doon. “tignan mo ate, may bagong status si Ethan sa facebook nya.” Itinaas ko ang kilay ko. Anu naman?
“minsan lang to magstatus, minsan lang magupdate ng profile picture, pero kapag dumarating ang minsan na iyon, ay grabe! Libo-libo talaga ang likes.” Aniya.
“Ah..” walang ganang sagot ko.
“Ikaw ba ate, may facebook ka?” tanung nya. Tumungo ako. “Oo, pero hindi ko na nabubuksan. Months na siguro.”
“aw. Bakit?”
“Wala akong hilig.” Sabi ko. “Ang boring naman nun!” nakangusong sabi nya. Ngumite ako tapos hinila ang pisnge nya dahil s aka-cute-tan nya.
“ili-like ko ang post nya!” sabi ni Chea. “Grabe! Ate look! In just 1 hour nasa 3k likes na!” utas nya tapos inilahad sakin ang cellphone nya. Wala naman talaga akong balak tignan iyon, kung hindi lang tumambad sakin ang kanyang profile picture.
Mukhang nasa ibang bansa sya, Naka-black leather jacket sya, naka-shades tapos naka dirty finger pa habang naka sandal sa isang pulang sports car. Ang yaman nga ng gagong yun!
Inibot ko pabalik sa kanya ang cellphone nya. “hindi ako interesado.” Sabi ko.
Binaling muli ni chea ang tingin nya sa cellphone nya. “Ang swerte nung babae.” Aniya. Naaninag ko ang lungkot sa mata nya.
“huh? Sinong babae?” tanung ko.
“tignan mo kasi ‘to.” sabi nya tapos muling inilahad sakin ang cellphone nya.
Binasa ko ang wall post ni Ethan doon:
Right from the start I knew, I had to make you mine.
Kumunot ang noo ko. “May ina-add si Ethan na babae, Whoa. Kahit sinong babae ang mag-add sa kanya hindi nya inaaccept. Ito ang unang beses na may inadd syang babae. Nakakaselos naman! Sinong babae naman kaya yun?” utas nya.
“bakit hindi mo icheck ung facebook mo, baka ikaw un.” Sabi ko.
Yumuko sya. “paulit-ulit ko na ngang tinignan kong ako iyon, hindi naman. Ang dami ng nagwewelga sa facebook!” aniya.
NAgkibit-balikat ako. “kawawang babae, baka sya na naman ang sunod na target.” Bulong ko.
Ang ethan nay un! Pagkatapos akong halikan may ibang babae na namang pinupuntirya, sinasabi ko na nga ba inaasar lang ako nun! At anung pake ko sa kanya? Pagkatapos ng play ay final exams na, may kakaroon ng ilang linggong bakasyon bago magsimula ang susunod na sem, sa oras na yun. Sisiguraduhin kong hindi ko na sya magiging classmate.
Pumasok ang prof naming maya-maya. Pumasok na din si ethan pero, ni hindi ko sya binalingan. Asar ako sa kanya. Ayokong isipin nya na nagustuhan ko ang ginawa nyang paghalik sakin, halos masuka na nga ako ng ginawa nya iyun. Bwisit sya!
Nag nagring na ang bell. Nagsitayuan na ang lahat, hudyat na kasi ng uwian. Agad kong inayos ang gamit ko at akamng lalabas na ng hilain ako ni Josephine.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomantikFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...