Chapter 39

5.5K 113 5
                                        

Chapter 39

Wala na akong ginagawa kundi ang umiyak buong gabi. Panay ang tanung ni mama sakin kung anu ang nangyari pero nagpapanggap lang akong tulog. Ayokong kumausap nang kahit na sino, Even my parents though. Naiinis ako at gusto kong mapagisa dahil hindi ko matanggap ang mga nangyayari sa akin. Para bang hindi ko matanggap na sa akin nangyayari ang lahat ng ito.

Late na ako nang magising kinabukasan ginusot ko ang mata ko pagkatapos ay parang zombie na naglakad papuntang banyo para maligo, tumingin ako sa salamin pagkatapos ay ginusot ang mata kong namamaga dahil sa kaiiyak. Suminghot ako pagkatapos ay bumuntong-hininga nang malalim. Anu ba naman tong nangyayari sakin.

Mabilis akong naligo pagkatapos ay mabilis ding nagbihis at nagayos.

Bumaba ako sa salas pagkatapos.

“Anak. Gising kana pala. Kumain ka muna. Nauna na ang papa mo.” Utas ni mama na nakangiti sa akin. Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay hinalikan sya sa pisnge.

“Hindi na po. Malalate na ako. Una na din po ako Ma,” matamlay na utas ko. Nakita kong kumunot ang noo nya sakin pero pinagsawalang bahala ko lang ‘yun. I need to rest. Kaylangan ko talaga ng hangin para makahinga ngaun.

Inayos ko ang bag ko pagkatapos ay sinabit iyon sa balikat ko.

Lumapit sakin si mama pagkatapos ay hinawakan ako sa balikat.

“Anak ayos kalang ba? Umiyak ka ba?” tanung nya sakin.

Napatingin ako sa kanya dahil doon. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay umiling-iling. “H-hindi po.” Utas ko sa kanya.

Lumamabot ang tingin ni mama sakin pagkatapos ay hinaplos ang pisnge ko. “Hindi ka pa nagsisinungaling sa akin. Diba, sabi ko naman sayo. You can tell me everything? Im your mother.” Utas nya.

Suminghot ako. Tama sya. I never lied to them before, iyun ang isang bagay na ayaw na ayaw kong gawin sa kanila ni papa. Ang magsinungaling, Pero isang beses sa buhay ko, nagawa kong maglihim sa dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko.

Yun ay ang nilihim ko ang tungkol sa amin ni Mike noon. I love mike very much at natatakot ako nab aka paghiwalayin nila kami kapag nalaman nila, Pero tignan mo naman kung anung napala ko sa paglilihim sa magulang ko, it got worst. Bakit ganito ang naging epekto ng pagibig sa akin?

“I saw Ethan last night.” Umpisa nya. Napatigil ako nang dahil doon.

“Panay ang silip nya sa gate natin kaya lumabas ako. He beg me to talk to you, pero sinabi kong ayaw mong lumabas ng kwarto.”

Pinagdikit ko nang madiin ang labi ko.

“Anak, May problema ba sa inyo ni Ethan?” tanung nya sakin. Humarap ako sa kanya pagkatapos ay umiling. “Wala po.” Utas ko. Ngumiti ako para mawala ang bitterness sa boses ko.

“Katulad nga po nang sinabi ko sa inyo ni papa. Hindi po ako papasok sa isang relasyon hanggat hindi ako handa. Hanggat alam kong ung taong iyon ay hindi deserving sa pagmamahal na ibibigay ko.” utas ko.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon