Chapter 24
Nakatulala lang ako sa kanya. Wala akong masabi, Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko dahil sa mga sinabi nya. Lumunok ako ng maraming laway, Pilit kong hinahanapan ng butas ang mga sinasabi nya per hindi ko magawa. Nakikita ko ang mata nyang nakatingin sakin ng seryoso.
“Lets see the Lantern festival together, abby.” Aniya.
Napasinghap ako pagkatapos ay wala sa sariling tumungo-tungo sa kanya. Wala sa pagiisip ko na tanggihan ang alok nya. I feel like I was being hypnotized by him. I don’t know what to do. Para akong kinokontrol ni Ethan.
Binaba ko ang tawag pagkatapos ay kinuha ang jacket ko at sinuot iyon, Palinga-ling ako habang maingat na bumababa ng hagdan dahil naghihintay sakin si ethan sa baba, Pakiramdam ko tuloy para kaming magkasintahan na nagbabalak magtanan.
Nakita kong ngumite sya sakin pagkababa ko. Sinimangutan ko sya. “Bilisan natin, Kapag nagising sila lola na wala tayo, They will surely freak out.” Masungit na utas ko sa kabila ng mapula kong mukha.
Nakita ko ang pagngise nya kasabay ng pagdila nya sa labi nya. Napalunok ako, Kaylangan nyang tigilan ang pag ganyan-ganyan nya sa harapan ko kung gusto pa nyang mabuhay ng matagal.
Nakakainis. Paanu ba nya nagagawang kumalma? Samantalang ako, Hindi na mapalagay dito. Pakiramdam ko nadis-align na ang lahat ng lamang loob ko sa katawan.
“t-tara na nga!” utas ko pagkatapos ay nagsimula ng maglakad.
“Anung sasakyan natin?” tanung nya.
“Anu pa, edi tricicyle.” Utas ko pagkatapos ay pumara ng triciclye at pumasok na sa loob, Nakita kong pumasok nadin sya sa loob.
Mahigit 15 minutes din ang biae ng tricicle hanggang bayan, isa pa. Lubak-lubak ang daanan dito kaya medyo nakakainis lang.
“Shit!” rinig kong sabi nya ng mauntog sya sa bubong ng tricicyle. Umirap ako.
“Ang tangkad kasi.” Utas ko.
“tignan mo ‘to. Pati ba naman sa pagiging matangkad ko galit ka?” Aniya
Napatigil ako ng makita ang nakanguso nyang labi.
“M-manong, dito nalang po.” Utas ko.
Bumaba na kami ng tricicyle. Namangha talaga ako nang makitang mapakaganda ng mga ilaw sa bayan.Totoo nga ang sinabi nila lola, Napakaganda.. Sobra.
“Wow.” Bulong ko.
Hinawakan ko si ethan sa braso. “ethan, tignan mo. Sobrang ganda..” utas ko habang nakangise. Ipinangak ako dito pero, ngaun lang talaga ako nakapunta sa ganitong event.
“oo. Sobrang ganda.” Sagot nya sakin. Napatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makitang sakin sya nakatingin. Pumitik ng mabilis ang dibdib ko. Gusto kong maiyak. Hindi ko matanggap na nagagawang pabilisin ni ethan ang tibok ng puso ko. Imposible. Hindi pwede.
Nagiwas ko ng tingin.
Shet. Ito na naman.
“Abby.” Aniya.
Nagitla ako, Agad na nagwala ang mga paru-paru ko sa tiyan. Banggitin nya palang ang pangalan ko, Parang nagiging hudyat na iyon para magsiliparan lahat ng paru-paru sa tiyan.
I need to escape. Kung hindi, tuluyan na akong mahuhulog sa bitag.
“Ah.. t-tignan natin doon.” Utas ko, lalakad na sana ako ng hilain nya ako pabalik.
Nagsalubong ang mga mata namin. “umiiwas ka na naman.” Aniya.
Umiling-iling ako. “H-hindi, anu bang s-sinasabi mo?” nauutal na sabi ko.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...