Chapter 34
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang dahil doon, para bang gusto kong isampal sa kanya ang katotohanang SILA ang nanloko sa akin, na SYA ang nagiwan sakin at hindi AKO. Inawang ko ang bibig ko, Madami akong gustong sabihin pero walang anumang lumabas galing sa bibig ko. Nanginginig na ako sa galit, I want to punch his face really hard, at gusto ko ring hilain ang buhok ni Lia hanngang sa makalbo sya. Pero hindi ko magawa, siguro dahil kahit kelan hindi ito sumagi sa isip ko, Hindi sumagi sa isip ko na magkikita-kita ulit kami.
“Ang kapal nang mukha mo.” Utas ko sa kanya tsaka pumihit patalikod nang hawakan nya ang braso ko pero pinitik ko ang kamay nya.
“Wag mo akong hahawakan. At wag na wag mo na din akong kakausapin.Tapos na tayo.” Matigas kong tugon bago pumasok sa classroom.
Mabigat ang bawat paghakbang ko lalo na’t alam kong nakasunod lang sya sa akin. Pero I mean it, tapos na kaming dalawa at wala na akong pakialam kahit sa mismong harapan ko pa sila ni Lia maglampungan.
Pumasok ang professor namin maya-maya. Katulad nang una naming professor ay nagpakilala lang sya at nagdiscuss ng mga rules and regulations.
Nakita kong tumayo si Josephine sa harapan pagkatapos ay ngumite sa aming lahat.
“Dahil sa successful nang theater club last month, Nagdecide ang student suprime council na ibalik na ang theater club as one of the extra cullicular activities dito sa school.” Ngumise sya sakin. “Actually, the success of theater club is because of our very own Snow White na si Abby.” Utas nya pagkatapos ay tinuro ako.
Nagpalakpakan ang mga kaklasi ko, Uminit ang mukha ko, dahil sa tuwing binabanggit ang play ay ang kissing scene namin ni Ethan sa hulihan ang naaalala ko.
Shet! Ang hayop na ‘yun.
“Together with her prince charming ofcourse na si Ethan.” Aniya.
Suminghap ang ibang estudyante.
“Shet! Gusto kong sumali, Kasama pala si Ethan sa theater club.”
“Kyah! Oh my gosh!”
“Mabuti nalang pala at nagpalipat ako sa section na ‘to.”
Napangise ako, Sinasabi ko na nga ba at kaya lang nila gustong malipat sa block namin ay dahil alam nilang andito si Ethan.
Naagaw nang pansin ko si Mike na nakakunot ang noo na may kasama pang pagkagulat.
“Ethan?” Aniya. Nagtama ang mga tingin namin pero agad akong nagiwas ng tingin.
“So sa lahat nang mga gustong sumali sa theater club, you can sign here.” Aniya pagkatapos ay inilapag ang papel sa desk ni Ma’am.
Nakita ko talagang agad na nagsitayuan ang mga kaklasi kong babae para isulat ang mga pangalan nila sa papel, Kinalaunan, Pati mga lalaki ay nagsitayuan nadin.
Napatingin ako kay Chea. “Chea, Ayaw mong sumali?” tanung ko sa kanya.
Ngumite sya sakin. “Hindi na ate, Wala talaga akong talent sa acting. Bantayan mo nalang si Ethan para sa akin.” Utas nya pagkatapos ay kinindatan ako. Ngumiti lang ako nang pilit sa kanya.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...