Chapter 19
Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa pagtama ng liwanag sa mukha ko, ginusot-gusot ko ang mata ko pagkatapos ay umupo na sa kama. Naghilamos ako pagkatapos ay sinilip sa bintana. Mula doon ay nakita ko sila tiya at lola na nagpapakain ng mga manok nila, Si ellie na nagiihaw ng isda pati na din ang iilang kabataang naglalaro ng saranggola sa malawak na patag dito samin.
Tumingala ako sa langit. Mukhang uulan.
Humikab ako pagkatapos ay binalingan ang cellphone kong kanina pa umiilaw.
Nanlaki ang mata ko ng makita kong sino ang nagtext doon.
From: Ethan.
Im on my way to Camerion Central.
Nalaglag ang panga ko.
“What the hell?” utas ko pagkatapos ay agad na tinawagan ang numero nya. Nakakaisang ring palang iyon ay sinagot na nya agad.
“He—“
“nababaliw ka na ba?!” agad kong singhal sa kanina. Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa.
“Hindi pa ako baliw. Pupunta talaga ako dyan. Naka kotse lang ako. Kaylangan mo akong sunduin pag dating ko sa bungad.”
Kumabog nang malakas ang dibdib ko, this man is crazy! Crazy!
“H-hindi pwede!” sigaw ko sa kanya.
“Why not?” utas nya. Nagtanung pa talaga sya kung bakit hindi pwede? Wth??
“Saan ka tutuloy?” tanung ko.
“Sa inyo.” Simpleng tugon nya. Mas lalo akong kinabahan.
“Mas lalong hindi pwede!”
“Bakit naman?”
“Papagalitan ako ethan! Hindi ka pwede dito! Baka kung anung sabihin nila!” sigaw ko. Jusko. Naghihestirical na talaga ako! Malaking gulo ‘to. Baka akalain nila boyfriend ko si Ethan!
“I already told your parents.” Aniya.
“HUH?”
“I told them and they said yes. May basbas ako ng magulang mo kaya wala kang magagawa, so paanu? Im Driving kaya ibababa ko na. I cant wait to see you.” Aniya.
Napanganga ako ng putulin nya ang linya.
I clenched my jaw pagkatapos ay nagpapapadyak.
Ang galing talaga ni ethan pagdating sa pangiinis sakin! Damn!
“I hate you Ethan! Grr! Asa ka naman susunduin kita! Manigas ka!” sigaw ko.
Tuluyan nang nasira ang araw ko, pakiramdam ko katapusan na ng mundo ko, sinabi ko pa naman ng pagkatapos nang play ay hindi na ako magkakaroon pa ng kahit na anung kaugnayan sa kanya, pero heto ngaun, Pati mga magulang ko? What the? Anung nakita nila kay ethan at nagtiwala sila doon?
“pero ma!” reklamo ko kay mama nang tawagan ko sya,
“anak, mabait na bata un si ethan. Napatunayan na naming iyon. Atshaka, anung problema mo doon? Malaki naman ang bahay ng lola mo, isipin mo nalang turista sya. Lalago pa ang ekonomiya ng Central!” utas ko.
Bumuntong-hininga ako.
Anu bang pinakain ni ethan sa kanila?
“mama! Ipagkakatiwala nyo ba ako sa lalaking un?” tanung ko.
Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni mama sa kabilang linya. “bakit hindi? Ang gwapong bata eh!” aniya.
Napa-face palm ako. Mahigpit sila sakin, Pero pagdating kay ethan ok lang dahil gwapo sya? Shet naman!

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...