Chapter 8
“Anung nangyari sa praktis nyo?” tanung ni Josephine sakin. Sumimangot ako at hindi sinagot ang tanung nya.
“Oy ha, baka mamaya nyan, iba pala ang pinapraktis nyo.” Aniya. Pumula ang pisnge ko sa sinabi nya.
“magtigil ka nga! Nakakadiri ang sinasabi mo!” sabi ko sa kanya.
Nagkibit-balikat sya tapos natatawang Umalis sa harapan ko. Bwisit! Naiinis talaga ako sa Ethan na un! Ang akala ko pa naman magprapraktis talaga kami kaya dinala nya ako sa condo nya. Bwisit! Pagkatapos ng pagsakay ko sa motor nya ganun lang pala? Anak ng tinapa.
“Oy, ate. Nagprapractice na kayo ni Ethan ko?” utas ni Chea sakin habang kumakain kami sa cafeteria.
Umiling ako. “Hindi pa.” simpleng tugon ko.
“Ha? Bakit? Oy, pag nagpractice kayo. Pwede sama ako? Ako audience hehe.” Sabi nya. Umismid ako. Pero kinalaunan nagkaroon ng parang light bulb sa ulo ko. Bakit hindi?
“oo ba!” saad ko. Kuminang ang mata nya sakin. “talaga?” saad ko.
Oo! Kesa naman sa tuwing kami lang ni Ethan ay nababanas at nadidistract lang ako sa presensya nya. Mas maganda ng may kasama. Ung hinayupak na ethan nayun!
“Ethan baby.. Mamaya? Anung dessert ang gusto mo?” Rinig ko ang malanding boses na iyon na nanggagaling sa di kalayuan. Napatingin naman kami ni Chea doon. And there, Devil spotted. May babae pang kalong-kalong.
“Sure. Mamaya?” tanung nya. Tapos naghalikan na sila nung babae, Naglalaplapan na sa harap ng mga kaibigan nya at sa harap ng ibang estudyante. Panay ang hiyawan ng mga kaibigan nya, Kitang-kita ko talaga ung pag gapang ng kamay nya sa maseselang parte ng katawan ng babae. Gusto kong masuka. Nakakadiri talaga sila.
Binalingan ko si Chea.
“Sabihin mo nga sakin, Yan ba ang lalaking gusto mong makasama?” sabi ko. Ngumuso sya.
“Magbabago din sya. Kapag nakaranas na sya ng tunay na pagmamahal.” Utas nya.
“Tunay na pagmamahal? Wala ng makakapagpabago sa kanya.” Sabi ko,
Binalingan naman ako ni Chea. “Anu kaba, lahat ng naglalaro sa pagibig nagtitino kapag nakita na nila ang babaeng gusto nilang makasama, Kapag nakita na nila ang babaeng magpapatibok sa puso nila. Parehas lang yan ng mga taong takot ng magmahal, Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa. Lalo na kapag Pinana ka na ni kupido,” madramang sabi nya.
Umisnab lang ako tapos bumaling ulit kay Ethan.
Nagitla akong makitang nakatitig sya sakin habang nakikipaghalikan padin, May nanuong kung anu sa lalamunan ko, nagkakabulol-bulol ang tiyan ko.
Inirapan ko sya. Pwe! Gusto kong masuka.
Once a Playboy, always a Playboy!
“praktis later.” Utas nya sakin tapos pakindat-kindat pa, Gusto ko syang suntukin.
Umirap ako. “Sa gym nalang. Baka lokohin mo na naman ako.” Saad ko.
He licked his lips. Kuminang tuloy ang pula nyang labi dahil sa pagdila nya.
“totoo na this time.” Sabi nya.
“I insist. Sa Gym nalang. After class” tapos tinalikuran sya.
Pagkatapos ng dalawa ko pang klase ay iniligpit ko na din ang gamit ko, Nagulat ako ng biglang kumapit si Chea sa braso ko.
“Ate! San ang praktis nyo ngayon?” tanung nya sakin. Ngumite ako.
“Sa Gym.” Sabi ko tapos inilagay na ang ibang gamit ko sa bag.
“Oh em g! Ate!” tili ni Chea tapos inalog-alog ang braso ko, Napatigil ako sa pagliligpit ng maamoy ang pamilyar na pabangong iyon.
Nilingon ko sya. “Hey, Let’s go.” Nakangeseng utas nya. Sinamaan ko sya ng tingin.
“Mauna kana pwede? Kitang magliligpit pa ako.” Saad ko tapos binalingan ulit ang mga notebook ko na nakakalat sa table ko, Maingat kong niligpit ang mga iyon, Organized akong tao,kaya maski kunting lukot sa notebook ko ay iniingatan ko talaga.
“Tsss.” Sabi nya tapos marahas na dinampot ang notebook ko at padabog iyong inilagay sa bag ko, Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya, I swear napatulala ako sa ginawa nya.
“Anu ba!” inagaw ko sa kanya ang notebook ko.
Sumimangot sya sakin. “Problema mo? Tinutulungan ka na nga.” Saad nya.
“Sinisira mo eh, Wag mo na akong tulungan!” utas ko. tapos nagpatuloy sa ginagawa ko.
Tumaas ang kilay nya tapos umupo sa upuan sa tapat ko. Nagtaas sya ng paa tapos matamang tinititigan ako habang nagliligpit, Hinihimas nya ang labi nya habang ngingiti-ngiti pa na tila nangaasar.
Banas na banas padin ako dahil sa nalukot kong notebook.
“Ate..” utas ni Chea. Nanlaki ang mata kong binalingan sya. Oh my! Nakalimutan ko bigla na andito pala si Chea.
“S-sandali lang.” sabi ko tapos binilisan na ang pagliligpit. Pagkatapos kong gawin iyon ay agad kong hinawakan ang kamay ni Chea.
“Tara.” Sabi ko sa kanya. Tumayo si Ethan sa upuan tapos hinarangan kami sa pinto.
“Kasama ‘to?” sabay turo nya kay Chea. Hinila ko si Chea tapos itinago sa likod ko.
“Gusto nya sumama at okay lang sakin.” Sabi ko.
“How about me?” tanung nya pabalik.
“O-ok lang. Di nalang siguro ak—“ sabi ni Chea.
“hindi. Sasama ka, at ikaw.” Sabay baling k okay Ethan. “Kung ayaw mo syang isama, Edi wag na tayong magpraktis.” Sabi ko.
Di sya sumagot.
“Ok. Edi wag na tayo mag—“
“Oh Jesus! Fine!” sabi nya tapos nauna sa paglalakad.
Ngumite ako kay Chea.
“Baka, Ayaw nya.” Nanlaki ang mata ko ng makitang iiyak na sya.
Hinawakan ko sya sa balikat. “Wag mo na alalahanin un okay?” Ngumite ako. “Tara na?” sabi ko. Tumulo ang luha nya sa mata pero pinunasan nya iyon.
“Cge. Hehe.” Sabi nya tapos pumunta na kami sa Gym.
Pagkarating namin sa gym ay agad na umupo si Chea sa isang bleachers doon. Nilapitan ko si Ethan tapos agad na binigay sa kanya ang script.
Hindi nya iyon kinuha sakin, Nakatitig lang sya sa mata ko pagkatapos ay ngingise-ngise pa.
“Problema mo?” tanung ko.
Umiling sya tapos kinuha na ang script pero isinama ang kamay ko. Oh my Gosh! Sa lakas ng pwersa ay napakalong ako sa kanya.
“Ops.” Sabi nya tapos ngumise. Nanlaki ang mata ko sa gulat, Agad akong tumayo tapos tumingin kay Chea. Mabuti nalang at nagcecellphone sya.
“Manyak ka talaga!” utas ko.
He smirked.
“Your so damn beautiful.”

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...