Chapter 26
“Whoah! Itsura mong yan! Isa lang?” utas ni Ellie pero panay ang pisil sa braso ko.
Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa. “Isa lang talaga. Kahit itanung mo pa kay Abby.” Sagot nya.
Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay napalingon sa kanya. “A-anung..”
“Totoo ba un ateng? Isa lang ba talaga ang chicks ni Ethan?” nakangiseng sabi ni Joel.
Itinaas ko ang kilay ko sa kanila. “Malay ko ba!” utas ko pagkatapos ay binalingan ng tingin si ethan na nakangise sya. Umisnab ako sa kanya pagkatapos ay mabilis na naglakad.
Bwisit!
Maya-maya pa ay nakarating nadin kami saw akas sa Waterloo Spring, totong ngang hindi masyadong marami ang tao ngaun. Ngumite ako, Ngaun nalang ulit ako nakarating dito. Binalingan ko si Ellie na kanina pa ako kinakalabit.
“Abby. Dun tayo maligo,” utas nya pagkatapos ay itinuro ang isang side ng spring. Tumungo-tungo ako sa kanya.
Nahagip ng tingin ko si Ethan na nakatitig sa akin. Itinaas ko ang isa kong kilay sa kanya. Nagpaalam sakin si ellie na lulusong na sa tubig, Pumayag naman ako since nakapagbihis na sya. Napahakbang ako patalikod nang makita si Ethan na papalapit sakin.
Tatalikod na ako ng hablutin nya ang kamay ko.
“Bakit ba!” utas ko sa kanya.
Kumunot ang noo nya sakin.
“anu?” singhal ko sa kanya.
Kinagat nya ang ibabang labi nya. “Wag ka na kayang maligo?” tanung nya sakin. Tumaas ang kilay ko sa kanya.
“Bakit hindi? Anung gagawin ko dito? Papanuodin kayo habang nagpapakasaya at nagrerelax?” utas ko.
Bumuntong-hininga sya sakin. “Okey. But, Just d-don’t.. Don’t let anyone see you naked.” Aniya.
Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya. “Anung sinasabi mo?” utas ko pagkatapos ay nagiwas ng tingin sa kanya. Anu bang trip ng lalaking to?
“Abby.” Aniya.
Inis ko syang binalingan.”Anu ba?” utas ko.
“Hindi ako maliligo, kaya wag ka na ding maligo.” Utas nya pagkatapos ay hinablot ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Pinipilit koi tong hilain sa kanya pero hindi nya ako pinayagan, Kaya wala akong nagawa kundi ang magpatinaod sa paghila nya.
“Baka hanapin nila tayo ethan!” utas ko sa kanya nang makalabas na kami.
Binalingan nya ako ng tingin. “I just want to be with you today.. Dahil pagbalik natin sa Maynila, Pahirapan na naman para makausap ka.” Utas nya sakin.
Napatahimik ako ng makita ang ekspresyon sa mata nya.
Hindi ako makapaniwalang gusto nya ako. Hindi ako makapaniwalang, Mahal nya ako.
Naramdaman ko ang pag-gapang nang kamay nya sa kamay ko.
“Let me have you today.” Malambing na sabi nya bago nagsimulang maglakad.
“t-teka, Saan tayo pupunta?” tanung ko sa kanya.
“Kahit saan. Kahit saan abby, Basta kasama kita.” Utas nya pero hindi nakatingin sakin. Binalingan ko sya ng tingin. Nakangiti sya habang naglalakad. Yumuko ako pagkatapos ay bumuntong-hininga, Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Kung tutuusin, Pwedeng-pwede kong hilain ang kamay ko sa kanya. Pwedeng-pwede kong hugutin ang kamay ko sa kanya pero bakit hindi ko magawa? Bakit pakiramdam ko nawawalan ako ng lakas? Bakit?

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...