Chapter 52

5K 107 5
                                    

Chapter 52

Nanlaki ang mata ko. “Ethan ko?” bulong ko.

Nakita kong nagreact ang balikat ni Ethan. Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang unte-unte syang lumingon sa akin.

Nanlaki ang mata ko. Nakatitig lang sya sa mga mata ko at tila nanghihintay nang sasabihin ko.

“Hm. Uhm.” Utas ko habang naghahanap ng pwedeng masabi, gusto kong tuktukan ang ulo ko ngaun, Nawawala ako sa sarili at pakiramdam ko, nagkakautal-utal ako kapag nakatingin sya sa akin.

“I thought you call my name.” Aniya.

Napalunok ako. “H-huh? Hindi. Mali lang siguro ang dinig mo.” Utas ko. Hindi sya nagsalita. Tinitigan nya lang ako pagkatapos ay tumingin na ulit sa harapan. Bumuntong-hininga ako.

Hindi na talaga tama ito. Ang cold ng treatment nya sakin at hindi ko iyon matanggap.   

Napalingon ako kay Mike nang maramdaman ko ang pagsiko nya sakin.

“Anung gagawin mo ngaun?” bulong nya. Umismid ako. Lumapit ako sa kanya para bulungan sya dahil panigurado ako kapag nadinig kami ng professor ay baka mapagalitan pa kaming dalawa.

“Maghahanap ako ng magandang tyempo. Kahit na cold sya sakin, I know he love me still. Matagal na nya akong mahal. Imposibleng mawala un nang ganun-ganun nalang.”

“You sure?”

Tumungo-tungo ako. “I can’t just go up to him and tell him I love him.Baka kung anung isipin nya.”

“Aha. Tsaka, Baka nagseselos sya kasi magkasama tayo.”

Napangiti ako. Hindi ko na alam kung gaanu ba ako kahibang ngaun pero tuwang-tuwa ang mga paru-paru sa tyan ko lalo na kapag naiisip ko na baka nagseselos lang si Ethan. Tama. Ganyan sya kasi nagseselos lang sya.

“Tseh! Wag mo nga akong bolahin!” utas ko

Tumawa sya.

“Kayong dalawa sa likuran!” sigaw nung prof namin. Natigilan kaming dalawa ni Mike. Nagtinginan kami pagkatapos ay napatingin sa harapan kung saan andoon ang professor namin nag alit na galit na nakatingin sa aming dalawa.

Naka cross-arms sya. “Kakadiscuss ko lang nang rules and regulations ah. Bakit parang hinid nyo naintindihan? Anu bang pinagtatawanan nyong dalawa dyan? Pwede nyo bang i-share yan sa buong klase?” Aniya.

Napatingin ako sa mga kaklasi namin na nakatingin sa aming dalawa ni Mike. Natatawa sila. Maliban sa isang taong ni hindi manlang kami sinulyapan.

Si Ethan.

“Anu bang relasyon meron kayo huh?” tanung nung prof namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Shit. Baka isipin ni Ethan kami na ulit ni Mike.

“Magkarelasyon po sila dati! Nagbreak, tapos ngaun parang sila ulit. ” Sigaw ni Vina. Kaklasi ko na sya dati pa pero hindi kami close kaya hindi ko alam kung sa paanung paraan nya nalaman iyon.

“Yieee!” Sumunod na ang asaran nang iba.

“Sorry, Abby. Ang ingay ko eh.” Bulong ni Mike sakin.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon