Chapter 44

4.9K 96 5
                                    

Chapter 44

Hinatid ako ni Mike sa bahay pagkatapos noon, Nakangiti sya pero malungkot padin ang mga mata nya, Naguguilty ako pero wala akong magagawa. Hindi ko pwedeng turuan ang puso ko na mahalin ulit sya. Si Ethan na talaga. Shit. This is the worst. Bakit kaylangan mangyari sa akin ang lahat ng ito.

Nakatanggap ako nang text galing kay Mike.

To: Mike

Don’t stress yourself to much. Malapit na ang exams.

Napangiti ako kahit papaanu, Sa totoo lang. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko pabang magaral pagkatapos nang mga nangyayari sa akin, Kahit naman kasi nakaharap sa ako libro ay iba ang takbo ng utak ko. Iba ang iniisip ko, Kahit sa pagpikit nang mga mata ko ay iba ang nakikita ko. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang pakikipaghalikan ni Ethan kay Chea, Kung paanu halikan ni Chea si ethan na para bang bihasang-bihasa na sya sa paghalik.

Umiling-iling ako. Hindi ko nakilala si Chea na ganun. Naiiyak ako kapag naalala ko ang masayahin si Chea. Pero, Ibang-iba sya sa Chea na nakita ko sa may parking lot. Damn.

Pinunasan ko ang luha ko nang makitang may tumatawag sa akin. Napatakip ako sa bibig ko nang makitang si ethan iyon. Hinagis ko ang cellphone ko sa dulo nang kama para pigilan ang sarili ko na huwag sagutin iyon, Namatay ang tawag. Pero tumawag ulit sya. Kumuha ako nang unan pagkatapos ay tinakpan ang tenga ko. Damn. Tama na please. Nasasaktan na talaga ako. Mahal na Mahal ko sya pero hindi ko matanggap ang ginawa nya sa akin. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Ilang tawag pa iyon, pero hindi ko sinagot.

Ilang sandali pa at tumigil na ang pagriring noon, Kinuha ko iyon at nagkitang nagring ulit gamit ang ibang number. Unknown number. Sinagot koi yon.

“hello.” Utas ko.

Walang nagsalita sa kabilang linya. Bumuntong-hininga ako. Akmang papatayin ko ang tawg nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

“Abby.” Shocks! It’s Ethan.

Pinapakalma ko ang paghuhumentado kong puso. Boses nya palang nagwawala na ang mga paru-paru ko sa tyan, Kumakalabog na din ang puso ko. My whole system. Nagkakadaletche-letche na.

“Anung kaylangan mo?”

Bumungtong hininga nya. “You know who I want, It’s you, Abby.” Mahina pero tagos nya sabi nya sakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko na alam kung anu paba ang totoo sa mga sinasabi nya sa akin. Gusto kong paniwalaan pero natatakot ako.

“Anung sinasabi mo? Ang kapal nang mukha mong sabihin nyan pagkatapos mong makipaghalikan sa ibang babae! Wag mo na akong lokohin Ethan, tama na!” utas ko sa kanya.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon