Chapter 49

4.9K 90 3
                                        

Chapter 49

Maga ang mga mata ko nang gumising ako kinabukasan, Halos hindi ako natulog dahil sa kakaiyak. Naiinis na naiirita ako, Hindi kay Ethan, Hindi kay Chea, Hindi sa ibang tao kundi sa sarili ko. Mababanas ako dahil pakiramdam ko ay napakatanga ko. Bakit kasi nung andito sya ay hindi ko pa nilunok lahat ng pride na meron ako?

Ang tanga-tanga mo, Abby.

“God, What happen to your eyes?” bungad sakin ni Ellie nang magising ako kinabukasan. Bumuntong hininga ako.

“Wala.” Utas ko sa kanya.

Umupo sya sa harapan ko. “Tigilan mo na nga ‘yan! Parang baliw ‘to!”Aniya.

Umismid ako sa kanya. “Talagang mababaliw ako Ellie!” Tinakpan ko ang mukha ko.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Shit.” Utas ko

Sobrang daming bagay ang tumatakbo sa isipan ko ngaun, Tulad nalang kung paanu kong meron na syang ibang gusto doon, at shaka kung totoong may relasyon na ba sila ni Chea. Ewan ko. Bakit sila magkasama noong huling araw na andito sya? Anung ginawa nilang dalawa? Bakit may ‘thank you for the night? Thank you for the kiss and hug?’ Damn. Hindi ko na alam. Pakiramdam ko, mababaliw na ako sa kakaisip.

Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay yumuko.

“Tinaboy-taboy mo tapos ngaun namimiss mo na.” utas ni Ellie.

Suminghot ako. “Ellie, Paanu kong pagbalik nya dito, Nafall-out na sya sakin?” tanung ko.

“Alam mo, Sinundan ka nga nya dito noon sa CC eh. Ibig sabihin, Ganun katindi ang nararamdaman nya para gawin ang bagay na ‘yun. Sa tingin ko, Hindi sya basta-basta mafafall-out sayo.Mahal ka talaga ni Ethan, kaya nya nga nagawa ang mga bagay na ‘yun.”

Ngumiti ako. Yun nalang siguro ang iisipin ko. Hindi maghihintay si Ethan nang matagal tapos bigla nalang mawawala ang nararamdaman nya? Hindi. Hindi ‘yun ganun.

Hihintayin ko ang pagbabalik nya tapos aamin na ako, Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Kakalimutan ko ang lahat. Basta bumalik sya sa akin. Basta nasa tabi ko sya.

Wala akong ginawa kundi tulungan sila Lola sa farm sa umaga, Tinutulungan ko sila sa pag ha-harvest ng gulay at mga prutas tapos minsan, Sumasama din ako kila Joel na ideliver iyun sa bayan. Sa ganung paraan, naoocupy ang pagiisip ko. Ayokong maiwang magisa sa bahay dahil kapag magisa ako, tsaka ko naaalala ang lahat ng mga mangyari. Lalo akong nalulungkot.

Sa Gabi naman, wala na akong ginawa kundi ang i-istalk ang facebook ni Ethan. Bukod sa walang humpay na pagpopost nang kung sino-sinong babae nya sa kanyang profile ay wala manlang syang update doon.

Nanlulumo ako. Minsan, Pinagdadasal ko na sana maabutan ko syang online. Pero iniisip ko din, Anu namang sasabihin ko sa kanya kung ganun?

Hindi ko din sya matawagan dahil hindi ko alam kung nagbago na ba sya nang numero since nasa ibang bansa na sya ngaun. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay humiga sa kama.

Ito ang pinakayaw kung pakiramdam. Ang pakiramdam nang may namimiss. Ang sakit sa puso.. Sobra.

“Abby! Tigilan mo na nga yang pageemo mo! Halika. Sumama ka sa akin.” Utas ni Ellie.

Napalingon ako sa kanya. “Saan naman?”

Ngumise sya sa akin. “Sa CC Community College, Mageenrol ako.” Aniya. Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya

“Akala ko ba ayaw mong dito magaral?” tanung ko.

Inilagay nya ang bag nya sa balikat nya tsaka ako binalingan. “Oo nga. Pero wala naman akong magagawa, Ilang araw ko na din ‘tong pinagisipan. Wala naman kaming pera, Kaya paanu ako makakapagaral sa maynila?” Lumungkot ang mga mata nya.

“Isa pa, Natanung ko din ang sarili ko kung kaya ko bang iwanan ang paraisong ito.” Utas nya pagkatapos ay tumingin sa bulubundukin nang CC.

Ngumiti ako. “Sandali lang, Magbibihis ako.” Utas ko sa kanya pagkatapos ay pumunta sa Kwarto. Lumabas ako di kalaunan, Sumakay kami sa tricicyle papuntang CC Community College. Napanganga ako sa laki noon, Parang PUP lang.

Binalingan ako ni Ellie. “Ganda no?” Aniya.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Kombinasyon ni Puti at kulay green ang pintura, Malawak ang paligid, tapos may isang malaking field pa kung saan nakikita ko ang ilang estudyante na naglalaro ng soccer.

Ung iba naman ay nasa malawak na Bermuda grace, nakikita ko ang iilang estudyante na nakaupo doon at nagaaral o kaya ay nagkakantahan, Ung iba may hawak pa na gitara. Sa di kalayuan naman ay mga babaeng sumasayaw. Sa tingin ko sila ang Chearing squad ng school.

“Wow.” Utas ko

Tinapik ako ni Ellie. “Hoy! Manghang-mangha ka dyan, I bet. Mas maganda sa school nyo.” Aniya. Umiling-iling ako.

“H-hindi ko alam, Hindi ko naman kasi tinitignan. Ang palagi kong napapansin doon ay ang usok na nagmumula sa mga sasakyan, Pati na ung mga estudyanteng hindi naman nagsisipag sa pagaaral.” Aniya.

“Yan! Yan ang hirap sayo. Ang palagi mo lang kasing tinitignan ay ung pangit sa mga bagay-bagay.” Umiling sya.

Nagsimula sya sa paglalakad kaya sinundan ko sya.

“Anung ibig mong sabihin?” tanung ko.

“Katulad nalang kay Ethan, Palagi mong tinitignan ung side na sinaktan ka nya, Palagi mong tinitignan ung side na pinaglaruan ka nya, Hindi mo manlang makita ung mga sakripisyong ginawa nya, Ung pagmamahal nya, Ung pagsunod nya sayo dito, Lahat-lahat. Lalong-lalo na ung pagmamakaawa nya.” Aniya.

Napatigil ako sa paglalakad nang dahil doon, Pakiramdam ko may kung anung nangyari sa puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay nahahati ito sa gitna.

Tumulo ang luha sa mga mata ko, Ngaun ko talaga nararamdaman ang matinding kalungkutan na bumabalot sa buong pagkatao ko.

Siguro nga, Unang-una palang. Ako na talaga ang talunan.

“Abby!” sigaw ni Ellie sa akin.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Kumaway sya sa sakin. “Tara na.” utas nya.

Itatama ko ang lahat.. Ang lahat-lahat, Sa pagbabalik ni Ethan.

Pinunasan ko ang luha ko pagkatapos ay patakbong sumunod sa kanya.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon