Chapter 18

6.7K 144 11
                                    

Chapter 18

Hindi ko na ginalaw ang cellphone ko simula nung gabing nabasa ko ang text ni ethan. Para akong tangang nagpagulong-gulong sa kama, ni hindi din ako nakatulog, para akong may nagawang napakalaking kasalanan.

Ni hindi ko alam kung paanu o kanino ba nya nakuha ang number ko pero wala na akong pakialam doon, ang alam ko lang ngaun. Ayokong magkaroon ng anumang kaugnayan sa kanya. Natatakot ako para sa sarili ko,Natatakot ako para kay Chea, hindi ako pwedeng magpadala sa bitag ng ethan na iyon, kung hindi, ako ang matatalo sa huli.. at hindi ako makakapayag.

Alam na alam ko na ang karakas nya, Sigurado akong napakalaking fulfillment sa kanya kapag napasagot nya ako, Sigurado ako na sa oras na makuha nya ako ay lilipat na naman sa ibang bbae, Ganun na ganun naman talaga ang karakas ng mga lalaking mapaglaro katulad nya

“Abby anak, bakasyon nyo naman hindi ba? Baka gusto mo munang magbaksyon?” suhestiyon ni mama sakin habang kumakain kami ng almusal. Napatingin ako sa kanya dahil doon.

“ok lang po ba un?” tanung ko.

Ngumite si papa.

“Pwede kang magbaksyon muna kila Ellie sa Camerion Central, Nakikita kong namayat ka. Mukhang stress ka talaga sa pagaaral.” Utas ni papa sakin.

Ngumite ako pagkatapos ay tumungo-tungo sa kanila. Magbabakasyon ako sa probinsya.

“Opo. Kahit sa mismong pasukan na po ako bumalik.” Utas ko na kinagulat naman nila.

“Ayos lang yun?” tanung ni mama. Tumango ako.

“opo. Sa mismong pasukan nalang po ako mageenroll.”

I need some air. Siguro kapag nagbakasyon ako ay mawawala na din ang ganitong pakiramdam ko, isa pa. sa pasukan. Sisiguraduhin kong hindi ko na magiging blockmate si ethan para wala nang problema.

Inimpake ko ang gamit ko dahil sa makalawa na ang alis ko, Hindi ako mahilig sa bakasyon kaya naman todo ang gulat nila mama nang pumayag sila sa sugestion nila. Karaniwan kasi, mas gusto ko lang manatili dito sa bahay, pero naisip ko. Kaylangan ko din siguro ito. Baka sa pagbabalik ko ay nawala na ang lahat ng gumugulo sa utak ko.

Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa mesa, agad ko itong kinuha ng makita kong umilaw ito.

Huminga ako ng malalim. Mga text galing kay Chea. Kumunot ang noo ko nang i-iscroll ko ang ito, Walang text galing kay ethan. Tss! Sinasabi ko na nga ba. Kung seryoso sya, Itext manlang sana nya ako.. Pero. T-teka nga! Bakit ako naghihintay ng text nya? Urgh! Anu ba!

Nagitla ako ng madinig ang pag-ring ng cellphone ko, agad ko iyong sinagot ng makitang si chea ang tumatawag.

“Hello.” Utas ko

“Wah. Ate! Miss na kita. San kaba? Kita tayo!” utas nya.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon