Chapter 54
“Regrets?” tanung ko
“uh-huh.”
Nagpaikot-ikot si Josephine.
“Characters, Lead Role ay kay Ethan at Chea. Bilang Charles and Margaret. Supporting actress, Abby, Lia at Mike.”
“Ako? Bakit ako? Hindi naman ako marunong umarte.” Utas ni Mike. Dinilatan sya ng mata ni Josephine.
“edi magpraktis! May dahilan kung bakit kayo ang kinuha kong actors and Actresses!” Ngumise sya.
“Anu ba ang Plot ng kwento?” tanung ni Lia.
Humalakhak na parang baliw si Josephine. “Good question! Inlove si Ethan kay Chea noon pa, Si Chea inlove pa kay Mike which is ex-boyfriend nya. Si Lia ang bestfriend ni Chea na may gusto naman kay Mike. At ikaw.” Sabay turo sa akin. “Your trying to reach Ethan.”
Nanlaki ang mata ko. “Ibig sabihin ako ang may gusto kay Ethan?” tanung ko.
Tumungo-tungo si Josephine.
“Exactly! Im so excited! Gusto kong malaman kung paanu nyo idedeliver ang mga scene. Lalo na ikaw abby.” Makahulugang sabi nya sakin.
Kinagat ko ang labi ko. This story is familiar to me.
Nung nagsialisan na ang iba. Agad kong pinuntahan si Josephine at hinila sya palabas ng AVR.
“Bkit?” tanung nya.
“Anung bakit? Nananadya kaba? Ayokong gawin Josephine! Bakit naman ganun un script?” tanung ko.
“Bakit? Anung masama? Hindi naman alam na iba na kayo iyon. Isa pa, Hindi kaba naeexcite?”
“at bakit ako maeexcite aber? Si Chea ang nasa posisyon ko! Ako ang gaganap na kontra bida ganun?” tanung ko.
Tumawa sya. “Ah-Ah. Take note! Ikaw ang bidang kontrabida!”
“Anu?” naguguluhang tanung ko.
Hinawakan ni Josephine ang balikat ko. “Nabasa mo na ba ang script ng play?” tanung nya.
“Oo. Nabasa ko na, At. Huh! Grabe naman! Hindi naman ako ganun. Ako talaga ang kontrabida na nangaagaw ng minamahal ng bida? Mangaagaw nang lalaki? Ako ang hindi pipiliin? Ako ang iiwanan?” tanung ko.
“Easy. Duda akong masusunod ang script ng play.” Aniya.
“Anung ibig mong sabihin? Ito ang script kaya malamang ito ang masusunod!” utas ko.
Kumindat sya sa akin. “Maniwala ka sa akin. Hindi masusunod ang nakasulat sa papel na ‘yan. The most exciting part of the play is when the actors and actresses deliver the scenes. Iba padin kapag sa puso galing ang mga lines. Maniwala ka, Im your fairy Godmother. Duh! Believe me!” utas nya pagkatapos ay tumatawang umalis at iniwan ako doon.
Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nyang hindi masusunod ang nakasulat sa script. Imposible iyon. Kapag binigyan ang actress at actors nang script, Malamang iyon ang dapat masunod dahil doon nakasalalay ang flow ng storya.
Hinawakan ko ang noo ko. Here it goes again. Parang gusto ko na namang magbackout.
Pumasok ako kinabukasan nang sabog. Hindi ako nakatulog dahil walang ibang laman ang isip ko kundi ang play. Paulit-ulit ko din iyon binasa at nireview. Meron nlang kaming isang linggo para magpraktis. Mamaya after class ang unang praktis namin. Maganda ang script, kaya lang. Hindi ko maiwasang isipin na talagang nananadya si Josephine. Shit.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...