Chapter 56

5.3K 122 9
                                        

Chapter 56

Buong gabi akong umiyak. Walang tigil. Pangako ko sa sarili ko na huli na talaga ‘to. Pagkatapos ay ayoko na kaya inuubos ko na lahat kahit na pakiramdam ko ay hindi na ‘to mauubos pa. Ang sakit-sakit. Sobra, Nasasaktan ako. Ito na nga siguro ang karma ko.

Nagbalik sa ala-ala ko ang mga nangyari, Ung tingin nya kay Chea. Ung paghahalikan nila, Ung mgakahawak nilang kamay, Ung mga sinabi nya kanina.. Ung sinabi nyang gusto nya si Chea. Damn! Ang sakit. Hindi ko na alam, Pakiramdam ko may isang importanteng bagay na kinuha sa akin. Pakiramdam ko kinuha na sa akin ang lahat.

Nagring ang cellphone ko kaya kinuha koi yon, Nakita kong si Mike ang tumatawag.

“H-hello.” Utas ko.

Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. “Sabi ko na nga ba, hindi ka pa natutulog.” Aniya.

Humikbi ako. Hindi ko mapigilan kaya tinakpan ko ang bibig ko. Naaawa na ako sa sarili ko. Naawa na ako at nahihiya na din kay Mike. Pakiramdam ko, sobra na ang gulong nadudulot ko sa kanya.

“You tell me, Abby. What happen?” tanung nya.

Nagsibagsakan muli ang mga luha sa mata ko nang alalahin ko ang nangyari. Kinagat ko ang ibabang labi ko, Pagkatapos nang paguusap namin na un ni Ethan ay umalis na ako agad at hindi na bumalik pa sa play. Hindi ko na kayang makita pa sya doon habang kasama si Chea, Nababasag ang puso ko. Hindi ako makahinga.

“He said he like Chea. Wala na. Wala na, Mike.” Nangangatal na utas ko.

Hindi agad nagsalita si Mike, Lalo akong naluha. Sa mga pagkakataong ganito, Si Mike ang nagpapalakas ng loob ko. Pero ngaun, Wala syang masabi. Wala syang sinasabing kahit anu. Lalo akong napanghinaan ng loob, Lalong nagsisink-in sa akin na wala na. na kahit anung gawin ko, Wala na talaga. Wala nang pag-asa.

“Sigurado na ba iyan?” tanung nya.

“Tinanung ko sya, At iyon ang sinabi nya sakin. Galit na galit sya Mike, Kitang-kita koi yon. Kitang-kita ko.”

Nadinig ko ang pagsinghap nya.

“Itigil mo na ‘to, Abby. Just.. Damn. Just stop this. Tama na.” utas nya. Lalong bumuhos ang mga luha ko. Magang-maga na ang mata ko at pakiramdam ko hindi ko na ito magagawang idilat pa. Mahahapdi na sila, Pagod na akong umiyak, pero para bang may madami bang reserbang luha sa mga mata ko at hindi pa ito nauubos.

“Sorry, Abby.” Humina ang boses nya.

Tumungo-tungo lang ako.

Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao. Iyon lang ba ang kaya kong gawin? Hanggang dito lang  ba ako? Ilang beses kong tinakwil si Ethan noon, Ilang beses ko syang pinagtabuyan pero patuloy nya padin akong inaabot, Hinahabol nya padin ako. Tapos ako? Ganito. Susuko kaagad? Pero anung magagawa ko? Kitang-kita ko sa mga mata nya ang galit. May marka nang katapusan ang boses nya. Habang nagsasalita sya kanina, Para bang iyon na ‘yun. Para bang hanggang doon nalang talaga. Para bang wala na talaga akong magagawa. Final na. The end na.

Natapos ang usapan namin ni Mike, Pinagbilinan nya akong matulog na pero hindi ko magawa, Napatingin ako sa orasan. Alas tres na nang madaling araw. Gustuhin ko mang matulog pero hindi ko magawa. Kapag pinipikit ko ang mga mata ko si Ethan agad ang nakikita ko at hindi koi yon gusto dahil naiiyak ako. Ayoko.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon