Chapter 70 - PART II

7.6K 157 22
                                        

This is the last part. Sorry kung bitin. Haha. Peace. Maraming salamat po sa pagsubaybay. Paki antay nalang po ang Epilogue. Nyanyanyanyanya. Godbless you all. xoxoxo

WARNING: SPG! 

_

Chapter 70 Part II

Akala ko ngingiti sya sa akin pabalik pero inisnab nya lang ako. Sumimangot ako nang dahil doon. Ewan ko ba, Ang hirap talagang i-pleased nang lalaking ‘to.

Binalingan ko sya nang tingin nang makitang hindi nya padin inihinto ang sasakyan.

“Ethan, Ang sabi ko gusto kong kumai-“

“Yeah. Yeah. I’ll cook for you.” Utas nya. Ngumiti ako nang Makita ang pamilyar na daan patungo sa condo nya.

Ilang minuto pa ay nakarating na din kami doon. Diretsyo kaming naglakad papuntang elevator. Binilisan ko ang lakad ko nang makitang nauuna sya sa akin. Bumusangot ako. Hindi manlang ang hinihintay? Tss. Nakakainis naman.

“Ethan.” Utas ko pagkatapos ay inabot ang kamay nya. Napatigil sya pagkatapos ay tumingin sa akin.

Ngumuso ako sa kanya. “Ang bilis mo namang maglakad.” Utas ko.

Bumuntong-hininga sya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa loob nang elevator. Habang nasa loob ay hindi padin nya ako kinakausap. Galit sya sa akin pero mahigpit padin ang hawak nya sa kamay ko.

Tumunog ang elevator kaya lumabas na kami doon. Nakita kong kumunot ang noo ni Ethan nang makitang bukas ang pinto nang condo nya.

“Ethan. May nakapasok ba?” tanung ko.

“SHIT.” Dinig kong sabi nya pagkatapos ay hinila ako sa likuran nya. Humigpit ang hawak nya sa akin kaya napapikit ako.

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob.

“Damn.” Dinig kong sabi nya nang Makita ang isang sapatos nang lalaki pagkapasok naming nang salas.

Binitawan ako ni Ethan. Nakita kong nagkunot sya nang noo.

“Ethan..” utas ko.

“Common.” Aniya.

Sumunod ako sa kanya sa loob. Nanlaki ang mata ko nang Makita ang isang lalaking matangkad at matipuno ang pangangatawan. Nakatalikod sya sa amin at nakaharap sa litrato nang mama ni Ethan na nakapatong sa isang drawer.

“What the hell are you doing here?” Angal ni Ethan.

Napatingin ako sa lalaking nakatayo nang lumingon ito sa amin. Pinamulahan ako nang mukha. He’s so damn hot and good looking. Para syang soft version ni Ethan. Kung si Ethan ay bad boy ang dating, Sya naman ay parang good boy sa harapan ko. Medyo may Ethan na sya. Pero kitang-kita mo talaga ang features ni Ethan na meron din sa kanya, Meron din kay hawig kay Mike pagkating sa pagka mistiso. Ang gwapo nya.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon