Chapter 62
Naramdaman ko ang unte-unteng pagkatumba namin ni Ethan, Lumalalim ang bawat halik nya habang hinahod ang likuran ko. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga. Gusto ko syang itulak pero ayokong ipatigil sya sa kanya ang ginagawa nya. Pakiramdam ko, Magkakasala ako ng hindi oras dahil kay Ethan.
“Ethan.. S-sandali.” Basag na sabi ko habang itinutulak ko sya sa dibdib nya.
Huminto sya pagkatapos ay lumayo kaunte sa akin. Nakahiga na ako ngaun sa sofa, Nasa ibabaw ko sya. Nakita kong tumitig sya sa akin. Malamlam ang mga mata nyang nakatingin sa akin, Para din syang lasing. Sa itsura nya, Para syang batang uhaw pa sa gatas ng ina.
“Bakit, Baby?” tanung nya.
Napapikit ako sa husky nyang boses. Seriously, Ang sexy nya talaga.
Sexy Ethan.
“Ang sabi mo, Hindi ka gagawa ng bagay na hindi ko gusto?” tanung ko sa kanya.
Ngumisi sya sa harapan ko. “Bakit? Hindi mob a gusto ‘to?” aniya.
Uminit ang mukha ko pagkatapos ay nagiwas nang tingin sa kanya.
“G-gusto. P-pero..” nahihirapang utas ko. Nadinig ko ang mahina nyang paghalakhak.
Tumayo sya pagkatapos ay binuhat akong parang prinsesa.
“Hoy! Hoy! Anu ba. Ibaba mo nga ako!” utas ko habang nagpupumiglas sa kanya. Pinagpapalo ko sya sa dibdib pero hindi sya natinag. Tinatawanan pa ako.
“Ethan naman!” utas ko.
Naramdaman ko ang pagclick nang pinto. Inilapag ako ni ethan sa malambot nyang kama.
Namilog ang mata ko nang dumagan sya sa akin. Naramdaman kong ibinahagi nya ang hita ko gamit ang kanya.
Kumalabog nang malakas ang dibdib ko nang maramdaman ang dibdib nya sa dibdib ko.
“E-ethan naman!” utas ko.
Ngumisi sya pagkatapos ay hinalikan ang pisnge ko. “I seriously don’t know what to do to you, Abby. Hindi ko alam kong hahawakan ba kita, Kung hahalikan. Para bang hindi makokontento kung ‘yun lang.” Aniya.
Napalunok ako.
“Anung—gagawin mo?” tanung ko sa kanya.
Inihilig nya ang ulo mukha nya sa mukha ko. Napakagat labi ako nang matanaw ang kurba nang labi nya. He has a perfect lips. Nasa kanya na ang lahat. Hindi ko alam na possible iyon. Hindi ko alam na possible palang may ganito kaperpektong tao.
Bumuntong-hininga ako. “Anung gagawin mo, Ethan?”
Hindi sya sumagot. Napapikit nalang ako nang angkinin nya ang labi ko. May Rhythm ang pag galaw nya sa ibabaw ko. Para bang dinadama nya ang bawat halik, Para bang iniiwasan nyang masaktan ako. Para bang nagiingat nyang tuluyan akong madaganan.
Sinubukan kong itaas ang kamay ko. gusto kong abutin ang dibdib nya pero hindi ko magawa. Nanghihina ako sa mga halik nya kaya naiinis ako. Gusto din syang hawakan pero pakiramdam ko, kapag hinahalikan ako ni Ethan, Natutunaw ang puso ko. Nawawala ang lakas ko.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...