Chapter 29

5.2K 129 9
                                    

Chapter 29

Ginawa ko na ang process ng pageendroll sabay kaming kumuha ng subjects ni Chea. Ngumingiti ako pero may kung anu talaga bumabagabag sa akin ngaun. Ang bigat ng dibdib ko. Nakokonsensya ako ng ewan.

“Sana classmate ulit natin si Ethan. Nagtataka ako kung bakit late din syang nagenroll.” Aniya.

Napatingin ako sa kanya dahil doon. Andito kami ngaun sa café at umiinom ng shake matapos makapagbayad ng tuition fee.

“B-baka nagkaproblema lang.” utas ko sa kanya. Tumungo-tungo sya sakin pagkatapos ay nagpatuloy lang sa paginom ng shake na binili nya kanina.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya naman ay kinuha ko ito sa bag ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nagtext

From: Ethan

Lets eat together

Tinignan ko si chea na abala lang sa pagkalikot ng cellphone nya.

Agad akong nagreply kay ethan.

To: Ethan

Nababaliw ka na ba? Hindi pwede.

From:Ethan

At bakit hindi? Im courting you

Umismid ako. Hindi talaga nya naiintindihan. Umiling-iling ako pagkatapos ay tinago ang cellphone sa bag ko. Nararamdaman ko ang pagvivibrate nito pero hindi ko pinapansin. Resist Abby, Resist!

Panay ang sulyap ko sa bag ko, Hindi ko alam pero kating-kati akong kunin ang cellphone ko sa loob pero natatakot ako. Baka sa oras na mabasa ko ang text nya ay mawala na naman ako sa sarili at mapasunod na naman nya ako ng hindi namamalayan.

“Ate. Cellphone mo ba yun?” tanung ni Chea sakin.

Napatingin ako sa kanya dahil doon. “ah.. ehh. Oo.” Utas ko.

“Basahin mo, baka importante.” Aniya.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay kinuha ang cellphone ko sa bag. Bubuksan ko palang ang message button ng mag-ring ito.

Oh my gosh! Si ethan tumatawag!

“Ah.. eh.. anu.. t-teka lang chea! Babalik ako agad!” utas ko pagkatapos ay tumayo na agad at hindi na hinintay pa ang sasabihin nya.

Kinagat ko ang labi ko habang lumilinga sa paligid. Hindi ko alam kung anung nangyayari sakin, para akong isang criminal na may nagawang mabigat na kasalanan dahil sa kinikilos ko ngaun. Pumunta ako sa Cr pagkatapos ay doon sinagot ang tawag nya.

“Hello.” Bungad nya sakin.

“Ethan anu ba!” sighal ko sa kanya.

“What?” tanung nya sa kabilang linya.

Napa-face palm ako. “Pwedeng wag kang makulit?” utas ko.

“I just want to eat lunch with you, Anung makulit doon?” tanung nya sakin

Napasinghap ako. “Please Ethan, Hindi pwede..” utas ko.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon