Chapter 47
Summer vacation na, Meron kaming tatlong buwan para magbakasyon pagkatapos ay 3rd year student na kami. Gusto ko nang makapagtapos nang pagaaral, Gusto ko nang grumaduate, Naisip ko na parang tumatakas na naman ako. Parang katulad lang ito nang nangyri sa amin ni Mike noon, Nung nalaman kong niloloko nila ako ni Lia, Tumakas ako. Tapos ngaun ganito na naman, Pero hindi ko alam. Para bang mas masakit ito ngaun.
“Gusto mong magCC, o sa ibang lugar naman, Anak?” tanung ni papa sakin.
Binalingan ko sya ng tingin. “Sa CC nalang po.” Simpleng tugon ko, Nakita kong nagtinginan sila ni mama. Alam ko napapansin din nilang something is wrong with me.
“gaanu katagal?”
Ngumisi ako. “Sa pasukan nalang din po ako babalik.” Utas ko sa kanila.
“Doon ka na din magbibirthday?” tanung ni mama. Tumungo lang ako sa tanung nila. Wala na akong maisip ngaun, Sa totoo nga lang ay hindi ko na natandaan na malapit na pala ang birthday ko.
Nagiimpake palang ako ng gamit ay agad ng bumuhos sa ala-ala ko ang sandaling magkasama kami ni Ethan sa CC, ang pagsunod nya sa akin doon, Ang pagpunta namin sa Lubao Falls, Ang kalabaw. Ang hot spring, Lahat-lahat na. Kinagat ko ang ibabang labi ko. I miss him damn much! Ilang linggo ko palang syang hindi nakikita pero ganito na ako, Hindi kasi maalis sa isip ko na baka mamaya may ibang babae na sya doon, Pakiramdam ko nagbaback-fire sa akin ang lahat, Ako ang nagtaboy sa kanya pero para bang ako ang gustong maghabol sa kanya ngaun. I miss him. So so so much. Ramdam na ramdam ko talaga sa puso ko ang matinding pagmamahal sa kanya
Nagitla ako nang maring ng cellphone ko, Nakita kong si Mike ang tumatawag. Sinagot ko iyon.
“hello.” Utas ko
“Hi. Where are you? Let’s eat dinner.”
“Sorry, Hindi ako pwede, Pupunta akong CC.”
Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. “Ang daya, Sama ako”
Ngumise ako. “Mamayang hapon ang alis ko. Next time na sa pasukan na ulit tayo magkikita. Magpapamiss muna ako sayo.” Biro ko.
Nadinig ko ang paghalakhak nya sa kabilang linya.
“Ang daya mo! Humanda ka sakin pagbalik mo dito. Isa pa, kung mamimiss kita susundan nalang kita diyan.” Aniya.
Napatigil ako nang dahil doon, Matamang bumalik sa ala-ala ko ang pagsunod sa akin ni Ethan sa CC.
“Joke?” awkward na sabi nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay pekeng-pekeng tumawa.
“I have to go. Ingat ka.” Utas ko
“Yes. You too. I miss you abby.” Aniya.
Suminghot ako pagkatapos ay ibinaba na ang tawag. Kinagat ko ang labi ko habang isa-isang ipinapasok ang gamit ko sa bag.
Nang hapon iyon ay bumiaje akong papuntang CC.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...