Chapter 41
Pumihit ako patalikod kahit na nanghihina na ako, Pakiramdam ko ay kahit unteng kalabit lang sakin ay matutumba na talaga ako dito dahil sa panghihina nang tuhod ko, Hindi ko na alam kung saan pa ako nakakakuha ng lakas para maglakad palayo sa kanya.
Pinikit ko nang madiin ang mga mata ko. Hindi ko maalis-alis sa isip ko ang itsura nila habang naghahalikan sa harapan ko, pati nadin ang mga salitang binitiwan nya na paulit-ulit na nageecho sa isip ko. Darn it, Ethan! Napakawalang hiya mo talaga! I want to push him! I want to hurt him! Pakiramdam ko, buong buhay kong hindi makakalimutan ang mga ginawa nya kanina pati na ang mga sinasabi nya sakin.
“A-abby!” nanginginig ang boses nya nang tawagin ako, Ilang beses nyang hinihila ang kamay ko pero paulit-ulit kong hinahampas ang kamay nya.
Wala na ang babae kanina, Hindi ko alam. Hindi ko alam kung pinaalis na nya o kaya ay itinapon nya na ito kung saan, basta wala akong pakialam.
Hinuli nya ang kamay ko at marahas akong hinila paharap sa kanya, Sa sobrang lakas noon ay wala akong nagawa kundi ang nagpatinaod sa paghila nya.
Kinulong nya ang mukha ko gamit ang dalawa nyang kamay. Panay naman ang pagpupumiglas ko.
“IM AT MY LIMIT ETHAN!” sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas sya sa braso, Mabuti nalang talaga ay wala nang tao dito sa parking lot, isa pa. lahat ng estudyante ay nasa kanya-kanya na nila room para sa susunod na klase. Hinawakan nya ang braso ko dahilan para matigil ako sa paghampas sa kanya
“Stop it! Bullshit!” sigaw nya sakin pabalik.
“Ang sama sama mo! Ang sama mo ethan!” utas ko sa kanya habang walang patid ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko
Ang sama-sama nya! I want to hurt him so bad, I want to hurt him so bad till the scars will last for a lifetime, Hindi ko alam kung bakit kasama nya ang babaeng iyon! Malamang kung hindi ko sila sinundan ay sa hotel na ang punta nila. I don’t know. I just don’t know. Mababaliw na ako sa kaiisip.
“Bitawan mo ako! Uuwi ako! Bwisit ka!” sigaw ko. Panay ang mura ko sa kanya
Humagulgol ako ng iyak. “I hate you! I hate you! I hate you! Wlanghiya ka talaga. Niloko mo lang ako, Pinaglaruan mo lang ako! Anu ha? Masaya kana? Masaya kana ha? Nakapaghiganti kana sa kapatid mo, Napaglaruan mo na ako!” utas ko sa kanya.
“S-stop crying, Dammit!” utas nya.
“Bakit hindi ako iiyak? Damn you! S-sinaktan mo ako Ethan! Sinaktan mo ako.” Nangangatal na sabi ko, Napaupo ako dahil sa pagiyak hawak-hawak nya ang kamay ko kaya napaupo din sya.
Panay padin ang hagulgol ko.
“Anu? Hindi ka magsasalita kasi totoo! Totoo diba!?” utas ko.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...