Chapter 64

5.5K 121 7
                                        

Chapter 64

Naglalakad na ako pabalik ng classroom nang makita kong tumatawag si Mike. Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay sinagot iyon.

“Hello.”

“Anung Hello? Asan ka?” tanung nya.

Umismid ako. Problema nito?

“Pabalik na nang classroom, Bakit?”

Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya sa kabilang linya. “Nakalimutan mong may game ako? Magsisimula na. Pumunta kana dito.” Aniya.

Napahawak ako sa bibig ko nang hindi oras.

“Ay! Oo nga pala. Nakalimutan ko, Sorry.”

“Dati rati hindi mo nakakalimutan kapag may laro ako. Ngaun lang.”

Ngumuso ako.

“Sorry na, Wag ka nang magtampo. Cge na. Papunta na naman ako. Ibababa ko na,” utas ko pagkatapos ay ibinaba na ang tawag. Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay half run na pumunta sa Gymnasium kung saan gaganapin ang laro.

Nakayuko ako habang naglalakad. Malalagkit ang tingin sa akin nang mga estudyante, sa palagay ko ay kumalat na agad ang balitang di umano ay tinulak at inaway ko si CHea kanina, Umismid ako. Excuse me lang ha? Sya kaya ang unang nangaway sa akin. Ayoko nang gulo kaya hindi ko sya pinatulak. Inalis ko lang ung kamay nya sa braso ko. Kaya paanu nasabing tinulak ko sya? Grabe. Bulag na ba ang mga tao dito?

“Grabe ung ginawa nya kay Chea.”

“Balita ko nga, Walang tigil sa pagiyak si Chea kaya dinala sa clinic, Hindi daw makahinga. May hika ata.”

Tumaas ang kilay ko. “Kelan pa sya nagkaroon ng hika?” bulong ko sa sarili ko.

Umiling-iling ako pagkatapos ay pumasok na sa loob ng gymnasium. Luminga-linga ako sa paligid. Nakita ko si Mike na nakaupo sa isa sa mga bleachers doon at hindi pa pumapasok sa game, nakakunot ang noo nya at nakasimangot.

Itinaas ko ang isa kong kilay pagkatapos ay kinuha ang cellphone ko para tawagan sya.

Nakita kong kinuha nya ito sa bag nya pagkatapos ay sinagot ang tawag.

“hello?”

“Andito na ako, Nakikita kita ngaun. Bakit hindi ka pa pumapasok sa game?”

Tumayo sya pagkatapos ay luminga-linga sa paligid.

“Asan ka?”

“Dito sa taas, Sa bandang kanan.” Ani ko.

Nabaling ang tingin nya sa akin. Nagtagpo agad ang mga mata namin. Ngumisi ako pagkatapos ay kumaway-kaway sa kanya.

“Nanunuod na ako kaya pumasok kana sa ga—“

“Abby.” Aniya

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon