Chapter 61
Masigabong palakpakan ang nadinig ko sa crowd. Napawi ang ngiti ko nang makita si Chea na umiiyak na umalis nang stage, Parang kinurot ang dibdib ko. Binalingan ko si Ethan na nakangisi sa akin.
“Ethan, Si Chea. Kaylangan ko syang sundan.” Utas ko
Nakita kong kumunot ang noo nya sa akin.
“What for?” Aniya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Madami akong dapat ayusin. Si Chea, si Lia at.. oh my gash! Si Mike. Lumingon ako kung asan ang kinaroroonan ni Mike kanina. Napanganga ako nang makitang walang na sya doon.
“Ethan. Madami akong tapat ayusin. Ikaw din, Si Chea. Si Mike, si Lia.” Utas ko.
Tinitigan nya lang ako. Nakita kong dinilaan nya ang labi nya pagkatapos ay hinila ako. Naglakad kami papuntang parking lot. Hindi sya nagsasalita. Hila-hila nya lang ang kamay ko at hindi ako iniimik. Para bang hindi nya nadinig ang sinabi ko kanina.
“Ethan!” utas ko
Hindi padin sya sumasagot. Naramdaman ko ang pag higpit nang hawak nya sa kamay ko.
“Ethan naman..”
Huminto sya bigla. Napatingin ako sa likuran nya, Nakita kong nasa tapat na kami ng pula nyang sportscar. Pumihit sya paharap sa akin.
“Yes, Baby?” Aniya.
Napalunok ako. That was my favorite line from him.
“A-ayusin natin.. lahat.” Ani ko.
Tinitigan nya ako sa mata. Tinignan ko din sya. I swear, Kahit na anung nangyari. Hinding-hindi ko na bibitawan ang kamay ni Ethan. Kung lalabanan man namin lahat ng pwedeng humadlang sa akin, gagawin namin ung nang sabay. Ayokong mahiwalay ulit sa kanya. Wala na akong pakialam sa nangyari noon, Wala na akong pakialam sa ginawa nyang laro, Wala na akong pakialam sa mga sakit na dinanas ko. Noong nawala si Ethan sa akin, Doon ko napagtanto na mas mahalaga sya sa kahit na kanino, Na mas masakit ang pagkawala nya sa kahit na anu.
“Iyon ba talaga ang gusto mo?” tanung nya.
Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay tumungo-tungo. Ngumisi sya pagkatapos ay bumuntong-hininga.
“Kung ganun, Wala na akong magagawa.” Aniya. Inakay nya ako palapit sa kanya. Nagpatinaod ako pagkatapos ay kinulong nya ako sa mga bisig nya. Uminit ang mukha ko nang maramdaman ang hininga nya sa leeg ko. Mainit iyon, Kahit ang katawan ni Ethan mainit.
Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa. “Sa wakas, Nayayakap na din kita nang hindi pinipilit.” Inilayo nya ako sa kanya. Kitang-kita ko kung paanu kumislap ang mga mata nya sa ilalim nang sinag nang buwan. Ngumiti ako.
Matamang bumalik sa akin ang ala-ala nung araw na una ko syang makita. Magulo ang buhok nya, Nakabukas ang iilang botones nang polo nya at parang dumurugo pa ang mga labi nya. Noong pagkakataong iyon, labis akong nagtataka kung bakit sya nakatingin sa akin na para bang inangkin nya na ako una palang kaming magkita. Ung mga titig nya na nagsasabing sa kanya na ako noon pa, Minarkahan nya akong sa kanya kahit na hindi ko pa sya kilala.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...