Chapter 63
“Kilala mo na siguro kong sino.” Aniya.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
“Grabe. Parang baliw.” Umiling-iling si Josephine. Inihilig ko ang ulo ko pagkatapos ay tinignan sya.
“Kanina pa ‘to?” tanung ko. tumungo-tungo sya sa akin.
“Oo. Pagpasok ko, ganyan na yan. Sabi din nung iba sakin. Malamang kagabi nya yan ginawa. Baliw ang babaeng ‘yun. Nakakaembyerna!” Pinitik ni Josephine na buhok nya pagkatapos ay umalis sa harapan ko.
“Kuha ka nalang nang bagong upuan.” Pahabol nya bago umupo sa upuan nya.
Nagkamot ako ng ulo. I seriously don’t have any idea na ganito pala kalakas ang tama ni Chea kay Ethan. Pero. For pete’s sake! Hindi ko alam na aabot nang ganito ang kahibangan nya!
Mabuti nalang at intrams ngaun. Walang klase kung hindi baka makita ito ng mga professor. Binalingan ko nang tingin ang cellphone ko nang maramdaman ang pagvibrate nito.
From: Mike
Laro ko mamaya, Pupunta ka?
Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay nireplayan sya.
To: Mike
Oo.
Binalingan ko ulit ang nababoy kong upuan. Nag-ring ang cellphone ko. Akala ko si Mike iyon pero nagulat ako nang makitang si Ethan ang tumatawag. Lumabas ako nang classroom pagkatapos ay sinagot iyon.
“Hello?”
“Baby.” Pumikit ako nang madinig ang malamig nyang boses.
“Oh? Bakit ka tumawag? Kakakita lang natin kanina ah.”
Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. “Nasa office ako ni Dad. Baka pumunta ako dyan mamaya. Miss na kita.”
Ngumiti ako. “Ako din.”
“Ok ka dyan? Wala bang masamang nangyari?” tanung nya.
Napatigil ako pagkatapos ay bumaling sa upuan kong punong-puno ng vandalism galing kay Chea.
“Hello? Abby?”
“Ah—W-wala naman.” Pagsisinungaling ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko. hindi ko pwedeng sabihin sa kanya dahil kapag ginawa ka iyon. Alam kong susugod sya dito agad-agad, Kilala ko si Ethan. Hindi un makikinig sa akin. Baka pati babae patulan nya.
“I’ll see you later. I love you.” Kumalabog ang dibdib ko sa huli nyang linya.
“I love you too, Ethan.” Utas ko. Ngumiti ako bago ibinaba ang tawag.
Akmang babalik na ako sa loob ng madinig ko ang isang boses.
“Hi, Ate!” Napalingon ako nang dahil doon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Chea sa harapan ko. Nakataas ang kilay nya sa akin. Parang naghahamon ng away.

BINABASA MO ANG
To Reach You
Storie d'amoreFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...