Chapter 17
Agad akong napatayo dahil sa sinabi nya. Nangangatog ako, para akong may nalaman na isang nakakagimbal na balita. Kinikilabutan ako sa sinasabi ni Ethan sakin, Hindi ko alam kung bakit trip nya ako, Kung seryoso man sya oh hindi, Basta ang alam ko lang, Hindi ko gusto ang mga sinasabi nya sakin na nagiging dahilan ng pagiging abnormal ng takbo ng systema ko. Pakiramdam ko, kung hindi pa ako aalis ngaun sa harapan nya ay marahil anu mang oras sasabog na ako.
Naglakad ako papalabas nang Bar, Nadinig kong tinawag ako ni Josephine pero hindi ko sya nilingon. What the hell? Bakit ba trip na trip ako nang ethan na yun?
Inisi kong mabuti, Wala naman akong ginawa para magpapansin sa kanila, ni, hindi ako nagbibigay ng motibo katulad ng ibang babaeng umaaligid sa kanya, Hindi ko ugali iyon. Unang araw palang nakita ko sya, sinusuka ko na agad ang buong pagkatao nya.
Unang-una palang, Alam ko na, na sya ang klase ng tao na hindi ko dapat lapitan.
“Abby.” Utas nya sabay hawak sa braso ko, Hinila ko ito sa kanya. Pinukol ko sya ng masamang tingin.
“Anu ba! tigil-tigil mo nga ako! Pwede ba huh? Ethan? Utang na loob naman! Tigilan mo na ang pangtritrip mo sakin, Dahil unang-una sa lahat hindi ako natutuwa! Pangalawa, Ayoko sayo!” halos mapaos na sigaw ko pagkatapos ay naglakad muli palayo sa kanya. Mabilis ang bawat paghakbang ko, pakiramdam ko ay hinahabol ako ng kabayo. Ang alam ko lang ngaun, Gusto kong mapalayo kay ethan.
“Anung bang kinagagalit mo?” tanung nya sakin ng maabutan ako.
Tumingin ako sa nakapoker face nyang mukha. Nababanas ako, Dahil ako, nagrurumble na ang puso ko, samantalang sya, cool na cool padin na nakatayo ngaun sa harapan ko.
I want to punch his handsome face! How could he manage to look at me like that?
“naiinis ako sayo dahil pinaglalaruan mo ako!” sigaw ko sa kanya.
Kumunot ang noo nya sakin. Nagsimula syang humakbang papalapit sakin kaya umatras ako.
“Naiinis din ako kung alam mo lang.” utas nya.
Nagsimula akong malakad patalikod pero marahas nya akong hinila pagkatapos ay sinandal sa mamahalin nyang kotse. Umusal ang kaba sa dibdib ko, Hindi ko alam kung anu ang nararamdaman ko, kinakabahan ako na ewan, Malakas ang tibok ng puso ko na parang hinahabol ng kabayo, Nanlalamig ang buo kong katawan, Nawawala ako sa sarili ko, Nagrurumble ang buong systema ko, Para akong kinukuryente kapag nadidikit sya sa akin.
“Anu ba!” utas ko. nagpumiglas ako sa kanya.
“look at me.” Utos nya. Umiling-iling ako pagkatapos ay nagiwas ng tingin. Shit! Shit! Shit! Anu bang nangyayari sakin?
Kinuha nya ang baba ko pagkatapos ay piniling papunta sa kanya. Nagtama ang mga mata namin.
Goddammit. Ang ganda talaga nang mata nya! Kumikislap pa ito habang natatamaan nang sinag ng buwan. How can he be so beautiful? He’s so beautiful!
Dinilaan nya ang labi nya“naiinis ako dahil kahit ilang beses kong sabihin na seryoso ako, hindi ka naniniwala.” Aniya.
“S-sinong maniniwala sa isang tulad mo!” Nauutal na singhal ko sa kanya. For pete’s sake! Ilang babae ang nakikita kong kasama nya araw-araw tapos pinipilit nya akong paniwalain na totoo ang mga sinasabi nya? How stupid can he be?
Nanlaki ang mata ko ng makita ang panlambot ng mga tingin nya sakin.
“isn’t obvious?” utas nya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
“Im just doing that to provoke you.” Utas nya.
Napaawang ang bibig ko. “What?”

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...