Chapter 67
“Bullshit.” Dinig kong sabi ni Ethan pagkatapos ay hinubad ang suot nyang polo at ipinatong sa likuran ko. Niyakap nya ako nang mahigpit dahil nangangatog ang buo kong katawan sa sinabi ni Chea sa akin. Anu bang nakapagtataka doon? Knowing ethan, Alam ko naman na ganun talaga sya. Pero Damn. Mas masakit pala ito kesa sa inaakala ko.
“Shh. Stop crying.” Utas ni Ethan pagkatapos ay pinunasan ang luha sa mga mata ko.
Nakita ko ang pagkalaglag nang panga nang mga estudyanteng nakatingin sa amin. Binaling ni Ethan ang tingin kay Chea na nanlalaki ang mata dahil sa biglang pagsulpot ni Ethan,
“E-ethan.. K-asi..” Aniya
“HOW DARE YOU TO HURT MY GIRL? Dumagundong ang malakas na sigaw ni Ethan, maski ako ay napapikit nang dahil sa pagsigaw nya.
Nangatal si Chea habang nakatingin sa amin.
“Ethan, Wag ka nang magbulag-bulagan, Niloloko ka lang nya. Hindi ba’t sinabi ko na sayo? Pinagsabay nya kayo ni Mike. Nung mga panahong wala ka dito, sila ni Mike.. silang dala-“
“YOU SHUT UP!” aniya. Napatigil si Chea.
Hinawakan ni Ethan nang mahigpit ang kamay ko pagkatapos binalingan ang lahat nang mga estudyateng nakatingin doon.
“Makinig kayong lahat, Si M. Abegail Garcia ay girlfriend ko na. She’s my Girl at wala ni isa sa inyo ang makapagbabago noon, kahit anu pang sabihin nyo. Mahal ko sya kaya hindi ko sya hihiwalayan dahil lang sa ayaw nyo sa kanya.”
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
“Damn. She’s my world.” Dugtong nya.
Nagsinghapan ang mga tao sa paligid. Ako naman, nakanganga lang habang nakatingin sa kanya. Wala akong masabi, Wala na akong ginawa ditto kundi ang tumanga sa harapan ni Ethan,
“P-pero Ethan.. Paanu ung sa atin…Paanu u-“
“Walang sa atin, Chea. Your not even my friend either, dahil sinaktan mo ang babaeng mahal ko.” Aniya.
Nakita ko ang paghagulgol nang iyak ni Chea. “No! this can’t be happening! Matagal na kitang mahal! Ako ang mas nagmamahal sayo, Ethan. Why can’t you choose me. Hindi kita sasaktan! Hindi ba’t ilang beses ka nang sinaktan nang babaeng ‘yan?Ethan, Mahalin mo lang ako. Hinding-hindi ko gagawin sayo iyon.” Aniya.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomansaFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...