10 Chapters to go~
_
Chapter 60
Wala ako sa sariling nanglakad papuntang Gynasium kung saan gaganapin ang play namin. Nung nakita ako ni Josephine ay agad syang kumaway-kaway sa akin. Lumapit ako sa kanya kahit na wala ako sa sarili.
“Bakit ngaun kalang? Asan si Ethan? Si Chea?” Sumabunot sya sa buhok nya. “Bwisit naman! Late? Oh my Gash!” utas nya. Napanganga ako pagkatapos ay bilibot ang tingin ko sa paligid. Hindi ko pa nga sila nakikita. Kumalabog nang todo ang dibdib ko.
Tinignan ko lang si Josephine habang nagtatanung sa akin kung asan ang dalawang bida nang play na to. Wala akong masabi kahit na alam kung sinundan ni Ethan si Chea. Hindi ko alam kung saan sila pumunta.
Umiling-iling si Chea. “Whatever! Jhen!” lumapit si Jhen sa amin. “Pakiayusan na si Abby.” Aniya. Tumungo-tungo si Jhen pagkatapos ay hinila na ako sa isang upuan doon. Wala akong nagawa kundi ang magpatinaod sa kanya. Nahagip nang mata ko si Mike, Nagtatanung ang mga mata nya. Wala akong nagawakaya umiling-iling lang ako sa kanya.
Inayusan na ako ni jhen. Hindi pa naman ako lalabas sa mga unang eksena sa scene, Si Chea palang at mike. Sa mga susunod na scene pa kami lalabas ni Ethan. Kinuha ko ang script pagkatapos ay binasa ulit. Hindi ko alam kung bakit, Hindi naman ako kinakabahan dati kahit na umaarte ako. Ngaun lang, Tumingin ako sa labas Nakikita kong dumarami na ang mga estudyante. Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan si Josephine na banas na banas habang nagdidial sa cellphone nya.
Umupo sya sa upuan dahil sa frustration. Hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung anung meron pero..
“Thank Godness! Andito na kayo! Saan ba kayo galing?” sigaw ni Josephine. Agad kong inangat ang tingin ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Ethan at Chea na kapapasok lang nang pintuan. Seryoso ang mukha ni Ethan, Samantalang nakangiti naman si Chea. Pumitik ang dibdib ko nang bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay.
Damn. Anung nangyari?
“Malapit na tayong mag-start. Ayusan nyo na ‘tong dalawa!” sigaw ni Josephine.
Agad na kumilos ung mga make-up artist na nakaassign para ayusan ung dalawa. Sinundan ko lang nang tingin si Ethan habang naglalakad papuntang upuan. Nanikip ang dibdib ko. Bakit nya sinundan si Chea? Bakit sila magkahawak-kamay na dumating dito? Anung meron?
Tinapik ako ni Mike. “Ayos ka lang?” tanung nya sakin
Binalingan ko sya na ng tingin kahit na gulong-gulo ako sa mga nangyayari. “H-huh? O-oo.” Sagot ko. Kumunot ang noo nya.
“Namumutla ka.” Ani nya.
Suminghap ako pagkatapos ay umiling-iling. “Ayos lang ako. Binabasa ko lang ulit ung mga lines ko.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Naningkit ang mata nya sa akin na halatang hindi kumbensado sa mga sinabi ko. Nagiwas ako nang tingin. Anu bang nangyari noong sinundan ni Ethan si Chea?
“Oh my Gash! Ang daming tao!” nagtititili si Josephine nang sumilip sya sa labas.
Binalingan nya kaming lahat. “Galingan nyo ha? Start na tayo in 5 minutes. Ung mga una muna sa eksena, Maiwan ung mga hindi pa. Start tayo sa Scene 1. Kay Chea at Mike.” Aniya.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...